PUMAILANLANG ang kantang Prom ng The Juans at doon na nagsimulang yumukod ang mga lalaking may kaniya-kaniyang kapareha na akala mo'y mga prinsipe na ginagalang ang kanilang mga prinsesa.
Yumukod din kaming mga babae na parang mga prinsesa sa isang pelikula at nagsimula na kaming ikutan nang marahan ng mga lalaking kapareha namin.
Nang magkatapat na ulit kami ni Nathan, na siyang kapareha ko sa cotillion ay nagsimula na kaming sumayaw sa saliw ng tugtugin.
'Eto na ang kanina pa hinihintay ng lahat. Pagkatapos nitong cotillion ay malaya nang mayayaya ng kung sino man ang gusto nilang isayaw sa gabing ito.
Isinayaw ako ni Nathan habang hawak ako sa kanan kong bewang, ang kanan nitong kamay ay nakahawak sa kaliwa kong kamay na kapantay lang ng balikat nito, mas matangkad sa akin si Nathan kaya naman kapantay lang ng mukha ko ang parehong kamay namin.
Ako naman ay nakahawak ang kanang kamay sa kaliwa nitong balikat habang isinasayaw ako ni Nathan sa isang mahinang sayaw, sabay sa saliw ng tugtugin.
Inikot ako ni Nathan at nang makaikot ako ay iniliyad ako nito habang hawak ako sa bewang. Napangiti ako nang makita kong titig na titig siya sa akin habang may ngiti din sa labi nito.
Tumayo ako ng diretso at muling humawak sa kamay at balikat niya upang sumayaw muli. Isa pang ikot ang ginawa ko upang malipat ako sa kasunod kong makakapareha.
Naparolyo ang mga mata ko nang makitang si kuya Dylan 'yon na nakangisi na ang mga labi nang malipat ako sa kaniya.
"Ganda mo ngayon Jannah, nagmukha kang babae." Matapos sabihin 'yon ni kuya Dylan ay pasimple ko siyang inapakan sa kanang paa kaya napaigik ito sa sakit.
"Aray ha? Grabe kayong mga girls, ang titibay niyo sa mga heels." Rumolyo ang mga mata nito kaya mahina akong natawa.
"Bakla." I spat at him. Nanlaki lang ang mga mata nito kaya mas lalo akong natawa.
Hindi na kami nag-imikan pa matapos noon at nang turn ko na upang umikot muli ay umikot na ako upang malipat naman sa isa pang lalaking makakasayaw ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makatapat ko na ang makakasayaw ko.
Seryoso lang itong nakatingin kaya pinilit ko na ulit maging pormal habang sumasayaw.
Si Jared ito, ang dating best friend ni Jonathan Life na ngayon ay boyfriend na ni Shiela Mae.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness sa aming dalawa, pero itinuloy na lang namin ang pagsayaw. Tutal saglit lang naman ito.
Nang mailiyad na niya ako ay ako na ang nagkusang nagtayo sa sarili ko at umikot na para sa susunod kong kapareho.
Napaawang naman ang bibig ko nang makita ko kung sino na ang kapareho ko ngayon at ang makaka-last dance ko sa cotillion.
"Jonathan Life." I mumbled at ngumiti lamang ito kaya napangiti na din ako.
Hindi ko alam na siya ang makaka-last dance ko dito sa cotillion. Noong mga practice kasi ay si Justine ng grade nine section two ang laging nakaka-last dance ko.
Sabagay ay may mga uma-absent noon. Siguro naurong lang ngayon dahil kumpleto na kami, may mga estudyanteng pumunta ngayon kahit na hindi umaattend noong practice pa lang, kaya nakapartner ko din si Jared na hindi ko inakalang makakasayaw ko ngayong gabi.
"Ang ganda mo talaga ngayon little sis, lalo na't ang kulay ng suot mo ay 'yung paborito kong kulay." He whispered in my right ear kaya nanginig ako dahil sa may kiliti ako doon. Narinig ko ang halakhak nito kaya hinampas ko ito sa kaliwang balikat nito na hawak ko.
BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018