Chapter 15

1.3K 15 2
                                    

"MAMA, hindi po ako papasok ngayon." Matapos kong sabihin 'yon ay natigil sa pagkain si Mama't Papa. At ang over sa O.A. na si Jannah ay naibagsak pa ang kutsara't tinidor na hawak.

"Ano?!" I rolled my eyes nang sumigaw si Jannah at padabog na tumayo. Nakita ko pa na natatawang umiling si Papa at si Mama naman ay hinawakan si Jannah sa braso para paupuin ulit sa upuan nito at para pakalmahin ang babaeng abnormal.

"I said, hindi ako papasok ngayon." I said with finality in my voice. Napabuntong-hininga si Papa, at si Mama naman ay mapang-unawang ngumiti sa akin. Nakita ko na aalma pa sana si Jannah pero binato ko na agad ito ng sliced bread na nasa pinggan ko para hindi na makapag-salita pa.

"Kaycee Lunar." Ma-awtoridad na tawag ni Papa at tumingin ako dito. Nakita ko ang matalas nitong tingin sa akin kaya nag-peace sign ako dito at ngumiti ng matamis. Papa sighed and shook his head.

"You can't just throw your food, Kaycee. Grasiya 'yan." Ma-awtoridad na saad ni Papa kaya naman I mumbled the word 'sorry' at tumingin ng masama sa direksiyon ni Jannah na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"At bakit ka naman hindi papasok Kaycee Lunar, aber?" Nang-iintrigang tanong ni Jannah. I shrugged my shoulders and drink my warm milk na nasa baso.

"May hindi ako natapos na report na sa Friday na ip-present. Alam mo naman 'yong teacher natin sa Math 'di ba? Masiyadong atat. At ikaw naman napaka-O.A. mo, sila Mama nga hindi na umalma eh. Ikaw 'tong O.A. diyan. And besides, this will just be my second time na a-absent kaya. Hindi naman kasi ako pala-absent gaya mo." I simply said as I wiped the side of my lips dahil sa pag-inom ko ng gatas.

Jannah sighed at ipinagpatuloy na lang ang pagkain, pero habang kumakain ito ay may ibinubulong ito na hindi ko marinig. Hindi ko na lang ito pinansin pa at ipinagpatuloy ang pagkain ng breakfast ko.

"So girls. Mayroon na ba kayong susuotin sa prom niyo? It will be one week from now." Papa asked kaya naman nabitin ako sa pagsubo at naubo naman si Jannah, marahil ay nasamid. Umiling ako at ibinaba ang kubyertos na hawak.

"I still don't have a gown pa, Papa. Si Mama kasi." Sumbong ko kay Papa at tinignan si Mama ng may tingin na nambibintang. Umawang ang bibig ni Mama dahil doon at tinuro ako ng kutsara na hawak.

"So kasalanan ko na ngayon Kaycee Lunar na makakalimutin kang bata ka?" Naiinis na sabi ni Mama habang nakaturo pa din sa akin ang kutsara niya, natawa ako at binelatan siya. Narinig pa namin ang pagbuntong-hininga ni Papa at ang pagtawa ni Jannah sa harap ko.

"Okay, we'll settle your gown anak. Pupunta tayo mamaya doon sa boutique ng Tita Loraine mo para makapili ka ng gusto mong design ng gown." Napaawang ang bibig ko nang dahil doon.

I love Tita Loraine works pero hindi ko maiwasan na kabahan. Hindi dahil sa gown na gawa niya, kun'di sa isa pang gawa niya na laging nagpapakaba sa akin.

Nandoon kaya si Jonathan Life?

Umiling ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. No, imposible. Mamayang hapon kami pupunta doon. Oras pa ng klase noon sa Saint Paul. Tama, kailangan ko lang mag-relax. Wala doon si Buhay.

"Okay ka lang anak?" Napatingin ako kay Mama na ngayon ay parang nawiwirduhan sa akin. Ngumiti ako at tumango.

"I'm fine 'Ma. Kinakabahan lang siguro ako. Baka walang magkasiyang gown sa akin doon sa boutique ni Tita Loraine." I said, napatingin ako kay Jannah nang marinig ko ang pagtawa nito.

"Why are you laughing?" Nakakunot ang noong tanong ko kay Jannah kaya napatingin ito sa akin mula sa pagkakayuko nito. Natatawang umiling ito at hinawakan ang bibig para pigilan ang pagtawa ng malakas.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon