"ARE you okay?" I looked at my back and there I saw Nathan. Nakapamulsa itong nakatayo at matamang nakatingin sa akin. Naglakad ito palapit sa akin habang ako ay yumuko ako at umiling.
"I can't lie, I'm not okay. I will never be okay kung patuloy kong mararamdaman 'yung sakit, insecurities, at anxiety habang minamahal ko siya." Mapait akong ngumiti.
"Posible pala talaga 'yung kahit mahal mo siya, makakaramdam ka pa rin ng galit dahil sa kaniya mo mararamdaman lahat ng sakit. 'Yung masaya ka naman tuwing nandiyan siya, pero may pagkakataong gusto mo na lang din siya mawala para tuluyan na ring mawala 'yung sakit dahil sa pagmamahal na nararamdaman mo sa kaniya." Mapakla akong natawa.
Umupo ako sa isa sa mga benches dito sa garden ng school, dito ko nasaksihan at narinig ang mga nangyari kanina. Dito sa lugar na ito ako pinatay nang paulit-ulit. Kumirot na naman sa sakit ang puso ko nang maalala ang mga narinig at ang mga nakita ko kanina.
Hinawakan ko ang dibdib ko at mariing kumapit sa tela ng blouse na suot.
Tamad akong nakapangalumbaba habang pinakikinggan ang lesson namin ngayon sa Araling Panlipunan. It's all about Economics, as usual puro formula na naman ang tatandaan ko. Pero tuwid akong napaupo nang marinig ko ang pag-ring ng bell. Lunch time!
Napatingin ako kay Nathan para sana yayain siya na sabay na kaming mag-break time, pero napasimangot ako nang makita itong may kausap na ibang babae. Lalapitan ko na sana ito nang may humawak sa palapulsuhan ko at hinila ako sa kung saan.
Mas lalo akong napasimangot nang makitang si Jannah ang humihila sa akin.
"Hey bitaw na! Saan mo ba ako dadalhin? Seriously? Nakailang hila na ako ngayong araw ha?" Singhal ko, pero nilakihan lang ako nito ng mata at pinagpatuloy na lang ang paghila sa akin.
Tumigil kami sa may hagdanan sa may gilid ng building. Wala masiyadong dumadaang estudyante dito, kung mayroon man ay pailan-ilan lang. Malayo pa kasi ang lalakarin kapag dito sila bumaba para pumunta sa canteen.
Hindi muna nagsalita si Jannah nang may dumaang tatlong estudyante sa hagdan para bumaba. Nang wala ng tao ay tumingin ito sa akin at nakapameywang na nilakihan ako ng mga mata.
"Now talk! Explain yourself kung bakit ganoon ka kalapit kay Nathan Martinez! May pakurot kurot ka pang nalalaman kanina. Akala mo siguro hindi ko nakita 'yon 'no?" Nanlalaki pa din ang mga matang singhal niya, I rolled my eyes at her at humalukipkip.
"Fine! He's my boyfriend. What's the big deal?" I asked her na mas lalo pang ikinalaki ng nanlalaki na niyang mga mata.
"What's the big deal? Big deal? What the fuck? Nandito ako, nag-iisip kung paano sasabihin sa'yo na break na sila Jonathan Life at Shiela Mae tapos ikaw may itinatago na din pala sa akin. Kailan pa naging kayo? Paano naging kayo?" Jannah asked, may binulong pa ito pagkatapos kaya hindi ko narinig.
Kumunot na lang ang noo ko doon at bumuntong-hininga bago nagsalita.
"Noong Saturday, I introduced Nathan as my boyfriend kina Mama at Papa. They accepted him wholeheartedly." I explained, nakatingin lang sa akin si Jannah na matamang nakikinig.
May dumaang muling emosyon sa mga mata niya nang banggitin ko si Nathan, pati ang pagpapakilala ko sa kaniya sa mga magulang ko. Kung hindi ako nagkakamali ay tila kumislap pa iyon. I just shrugged that off before I continued.

BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018