Chapter 6

1.4K 28 0
                                    

"HEY beng, nandito ka lang pala." Tumingala ako mula sa pagkakayuko ko nang marinig ang boses ni Jannah na nasa kanan ko. I sarcastically smiled with what she said as I rolled my eyes dramatically.

"Hindi ako 'to, wala ako dito. Baka nasa boys locker room ako. Imahinasyon mo lang ako." She tapped my right shoulder at itinuro ako.


"Uy nag-joke siya. Last mo na 'yan ha?" I rolled my eyes again at that remark.


"What brings you here? Bakit hindi ka pa nagb-break time?" I asked and looked at my wrist watch. We still have few minutes left before our break time ends kaya tumayo na ako, sumunod siya at narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga.


"You know hindi ko kayang kumain ng walang kasama eh, bigla ka naman kasing nawala sa classroom noong nagliligpit na ako ng gamit ko. Akala ko nasa cafeteria ka na tapos nang nagpunta ako doon wala ka naman, so I concluded na nandito ka sa garden, and I'm right. Ang galing ko 'no?" Bahagya niya pa akong tinulak kaya napangiwi ako.

"Baliw. Tara na habang may natitira pa tayong oras. Nagugutom na rin ako eh." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa isang bench at nag-umpisa na kaming umalis sa garden. While on our way to the cafeteria ay narinig ko ang pagtikhim niya, I looked at her who's now looking at me a confused look on her face.


"Bakit nga pala bigla kang nawala Kaycee Lunar? Doon ka pa tumambay sa wala namang ka-tao-tao, feeling ko tuloy may tinataguan ka. Kaunting minuto na lang ang tuloy ang natitira sa atin para kumain ng snack. Bakit ka ba kasi nagtatago?" She pouted kaya napabuntong hininga akong muli.

I know she will ask me that question. And because she's my best friend, I will tell her the truth.


"Umiiwas ako kay Jonathan Life." Mahinahon kong saad at tinulak ang glass door na humaharang papasok sa cafeteria.

When we got there, agad kaming dumiretso sa counter while Jannah settled behind me para pumila. I just ordered a slice of my favorite strawberry cake with my favorite strawberry milkshake, mabuti na lang at kakaunti na lang ang tao doon at hindi ko na nakita pa si Jonathan Life.


Dahil sa pag-order ay hindi na ulit nakapagtanong pa sa akin si Jannah, na I'm sure ay ib-bring up niya mamaya habang kumakain kami. After I got my order, Jannah's next. She ordered a slice of her favorite chocolate cake and her favorite chocolate milkshake drink. Complete different flavors but we ordered an exact same food and drinks. I just know that if Jannah didn't loathes strawberries, she'll surely gonna pick the same flavor as I am.


When we're both finished ordering, saka naman kami umupo sa madalas naming tambayan sa cafeteria, ang table na nasa tabi lang ng glass wall kung saan natatanaw namin ang kalahati ng malawak na soccer field, hindi nahaharangan ng trunk ng mga punong nakahilera itong puwesto namin kaya kitang-kita namin mula sa kinauupuan namin ang pagpa-practice ng mga varsity namin sa soccer. They're probably practicing for the regionals kaya seryoso silang nagpapractice ngayon, some students were also watching them practice which is not new. Marami din kasing gwapong varsity sa school and I can't blame them.


"So beng, bakit ka nga umiiwas diyan sa kuya-kuyahan mo?" She asked na nakapagpaputol sa pagtanaw ko sa soccer field. I picked up the fork and started to take a bite from my slice of cake.


Tinignan ko si Jannah na may chocolate na agad sa kaniyang labi. She's a messy eater, na I'm sure ay hindi niya napapansin. I gave her a tissue na agad naman niyang ginamit, she wiped her mess as I sighed. As expected, she'll brought that up.


"Well, Jonathan Life asked for my help in preparing a surprise candlelight dinner for his girlfriend on their third monthsary of being together. Noong una, sinabi kong titignan ko kung anong magagawa ko since I'll depend my decision sa school calendar natin and sa mga ico-complay natin. But when I told him na hindi ako makakatulong because sobrang daming kailangang ipasa, biglang hindi na niya ako pinansin. You know, we're all busy. You know that, and he's supposed to know that kasi magkakaklase naman tayo. But then he chose to ignore that and act so sassy instead." I explained as I recalled what happened earlier. Nilagpasan niya lang ako as if he didn't know me.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon