"HELLO?" Muli akong napaiyak nang marinig ko ang boses ni Jannah sa kabilang linya. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kanan kong kamay para hindi lumabas ang mga hikbi mula sa mga labi ko.
"Beng. K-kumusta? How's your birthday preparation g-going?" Pilit kong pinasigla ang boses ko nang itanong ko 'yon kay Jannah. Pero mukhang hindi makaliligtas ang pilit pinasigla kong boses, dahil na rin sa pagpiyok at pagkautal ko.
"Umiyak ka o umiiyak ka?" Seryoso ang boses na tanong ni Jannah. Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak ko nang malakas. Pinarinig ko na ang mga hikbi ko sa kaniya.
I heard her sigh from the other line."B-beng. What went wrong?" Tanong ko. Kanina pa tumatakbo sa isip ko ang tanong na 'yon. Wala naman akong ginawang mali. Umamin lang ako, inamin ko lang ang totoo kong nararamdaman. At 'yon ay hindi kapatid ang tingin ko kay Jonathan Life gaya ng tingin niya sa akin.
"A-alam na niya." Humihikbi kong saad at narinig ko ang pag-singhap ni Jannah mula sa kabilang linya.
Napailing ako at walang buhay na natawa nang maalala ko ang reaksiyon niya nang umamin ako.
"H-hindi. Mukhang matagal na niyang alam." Walang buhay akong natawa habang nararamdaman ko pa din ang walang tigil na pag-agos ng masaganang luha mula sa mga mata ko.
I heard her non-stop cuss pero hindi man lang ako kinabahan o natakot sa kung ano man ang sasabihin niya. Mas nangingibabaw pa din ang takot ko na baka 'yung kanina na lang ang huli na naming pagsasama at pag-uusap ni Jonathan Life.
Baka 'yon na ang huli.Napahawak ako sa couch na kinauupuan ko. Nandito na ako sa loob ng hotel room ko. Inihatid kami dito ni Tatay Isko nang hindi kami nagpapansinan ni Jonathan Life.
Alam kong nagtaka siya sa aming dalawa kanina, lalo na't sobrang lapit namin ni Buhay at palaging nagbibiruan noong papunta pa lang kami sa Sky Ranch, pero nang pabalik na kami dito sa hotel ay sobrang naging tahimik ng biyahe. Magkahiwalay na kami at ni hindi man lang nagdadapuan ng tingin sa isa't isa. Hindi nga kami nagdikit kahit na sandali lang.Habang papauwi ay iniisip ko ang mga sinabi ko. Kahit na natatakot ako sa magiging kinalabasan ng mga sinabi ko sa kaniya, nandoon pa din ang ginhawa dahil nasabi ko na ang mga matagal ko nang gustong sabihin kay Buhay na matagal ko nang kinikimkim.
"Jannah, hindi na niya ako pinapansin. Ayaw na sa akin ni Buhay. Kung kapatid lang ang tingin niya sa akin noon, malamang ngayon ay estranghero na lang ang magiging tingin niya sa akin panigurado. Bakit ba naman kasi siya pa ang minahal ko? Madami namang lalaki diyan eh." Humihikbi kong saad sa nasa kabilang linyang si Jannah.
"Beng, kahit na gaano ako nabubuwisit ngayon kay Buhay. 'Wag muna natin pangunahan 'yung nararamdaman niya, 'wag muna natin i-assume na iignorahin ka na niya habang-buhay. Nagulat lang 'yon. Give him space and time para makapag-isip. One day, kusa siyang lalapit sa'yo at siya na ang kusang sasagot sa mga katanungan mo. Sa ngayon, iiyak mo lang lahat ng 'yan. Nandito lang ako." She gently said, but that doesn't give any comfort for me.
Siguro nga sarado pa ang utak at puso ko ngayon, lalo na sa tuwing naaalala ko ang tagpong tinalikuran lang ako ni Jonathan Life kanina matapos kong sabihin dito ang tunay kong nararamdaman.Nakaka-putangina lang kasi.
"About doon sa nararamdman mo sa kaniya. Kung bakit siya ang minahal mo? Bakit? May batas ba na nagsasabi na bawal mong mahalin ang kaibigan mo? Kaya nga pagmamahal ang tawag doon, kasi hindi pagsusulit 'yan na utak lang ang ginagamit kapag kailangan mo ng sagot. Sometimes, you're choosing your heart over your brain kapag nagmamahal ka lalo na't hindi naman ito pagsusulit, pero minsan nao-overuse mo na ang puso mo. Hindi naman porque't puso lang, puso lang talaga ang gagamitin mo. Minsan, 'yung puso mo mismo ang nagpapahamak sa'yo. Which is not healthy. You need to use the two equally. Walang lumalamang." Jannah stated at patuloy pa din ako sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018