Chapter 2

3.3K 31 2
                                    

"NA'NDITO na tayo Kaycee at Jonathan." Napaangat ang tingin ko mula sa cellphone ko nang marinig ko ang sinabing 'yon ni tatay Junie.

Ni-log out ko na ang account ko sa Facebook at inilagay sa bag ko ang phone ko matapos ko itong i-silent. Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at nakasimangot na bumaba habang hawak ng isang kamay ko ang isang strap ng backpack ko na nakasabit sa kanang balikat ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid kahit na nasa parking lot pa lang naman kami ng school namin na matagal ko nang pinagsawaang tignan. May nakikita na akong iilan sa mga kaklase ko na naglalakad papunta sa kung saan kaya naman tuluyan na akong napangiwi.

Hay! School again! Nakakatamad!

Nasa gitna ako ng pagrereklamo ko sa kung sino mang tao ang nag-imbento ng pag-aaral nang maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Buhay. Naramdaman ko pa ang paglapit ng bibig nito sa aking kanang tainga na naging dahilan ng pagkislot ko at paglayo sa kaniya nang kaunti.

Narinig ko ang mahina nitong paghalakhak kaya naman muling nabuhay ang inis ko.

"Alam ko 'yang tumatakbo sa utak mo ngayon, Buwan. Tara na bago mo pa maisipang mag-cut sa klase natin. We just came back from Christmas break, stop slacking off." At naramdaman ko na lang ang paghawak sa akin ni Jonathan Life sa pulsohan ko at ang paghila sa akin ng mokong.

I rolled my eyes at every girls na nadadaanan namin na kung makatingin eh akala mo napakalaking kasalanan na mahawakan ko ang prinsipe nila.

I don't even know why these girls bother at this point like keep it up? It's me and I already won.

Napangisi ako nang maalala ang specific sound na 'yon sa isang social media app. It's been running around my mind for quite some time now and I know I still don't have the rights to say that kasi kababata lang naman ako.

I silently sighed with that thought and thankfully, Life was too busy greeting and waving to his friends and acquaintances to hear that. I'm still not used to my love and hate relationship with this man, it's still quite confusing for me .

When we reached our classroom ay madali na lang naming inilagay ang bag namin sa aming mga upuan at lumabas na ng room nang marinig na namin ang pagtunog ng school bell, sign na mag-uumpisa na ang flag ceremony.

Nakakainis lang na kahit saang lugar ay hindi ko maiiwasan si mokong dahil classmate ko na nga siya, seatmate pa. It's so frustrating lalo na't may tinatago ako sa kaniya, I feel like anytime, he'll know my secret and I don't think I'm ready for that kind of confrontation. I'm not good at it and never will be.

Bukod pa doon, ang hirap niyang iwasan. Ang hirap magpanggap at magtago ng nararamdaman kasi the way I try to hide it, the more it wanted to be freed from deep within. To add more, the way I try to hide it, the more it grew like a damn grape seed waiting to be harvested on its season. It's frustrating and tiring at the same time!

Dahil sa naiisip ay nakabusangot tuloy akong naglalakad sa corridor, ngunit napatigil ako nang may malakas na tumawag sa pangalan ko.

"Kaycee!" Talaga nga naman oh!

Napalingon ang maraming estudyante nang marinig ang tawag na 'yon. Hindi iyon dahil sa kilala ako, kun'di dahil iyon sa malakas na pagkakatawag sa akin na um-echo pa sa buong corridor ng building naming junior high school. Ngumiti ako nang pilit at lumapit din sa babaeng nagmamay-ari ng ubod ng lakas na boses na nakangiti na ngayong tumatakbo palapit sa akin. Akma niya akong yayakapin nang iharang ko ang kanang kamay ko sa harap niya.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon