NAPAROLYO ang mga mata ko ngunit nandoon ang ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang hagulgol ni Mama pagkakita sa akin.
Nilapitan ako ni Mama at ni Papa at mahigpit akong niyakap, niyakap ko din sila pabalik at tinapik ko sila sa likod. Sign na hindi na ako makahinga.
Natatawang kumalas si Papa sa yakap habang si Mama naman ay patuloy pa din sa pag-iyak na nakayakap sa akin.
Inakbayan ni Papa si Mama at natatawang inilayo sa akin, natawa din ako nang makita kong halos mapuno na ng luha ang buong mukha ni Mama. Dahil doon ay namasa din ang mga mata ko.
"Ma, you're overreacting again. Alam kong sobrang ganda ko pero 'wag ka ng umiyak diyan. Ngayon ko lang nalagpasan ang kagandahan na mayroon ka." I tried to be sound like I'm joking pero mas lalong naiyak si Mama.
"Wala na talaga King, ang ganda ng anak natin. Susunod na makikita ko siyang naka-gown ng ganiyan baka nasa simbahan na siya at hinihintay na ng mapapangasawa niya." Natawa kami ni Papa dahil doon.
I wiped the tears that slipped from my eyes at nginitian si Papa at Mama na ngayon ay pareho ng nakangiting nakatingin sa akin.
Nandoon pa din ang mumunting paghikbi ni Mama pero napangiti ako dahil doon.
This will be finally my first ever promenade that I'm attending to. Suot ko ang sky blue heart-shaped tube gown ko na pa-balloon sa baba na napili kong suotin sa araw na ito.
I partnered my gown with my white stiletto na binili namin kasabay ng gown ko. My hair is tied up in a messy bun na nilagyan ng white pearls sa mismong bun na itinali ng hair stylist na hinire pa ni tita Loraine para sa akin.
My only accessory is the bracelet that Papa gave me as a gift noong thirteenth birthday ko na napulot ni Nathan noon sa may pintuan ng classroom namin.
Ang sabi ko nga kay Mama at Papa ay rentahan na lang ang gown ko pero dahil mas makulit pa ang parents ko kay'sa sa akin na anak nila ay binili talaga nila 'to kay tita Loraine.
Si tota Loraine bilang itinuring na din akong anak ay nakikuntsaba na din sa parents ko, heto nga't siya pa ang nagpadala ng hair and make-up artists ko.
Nagulat na nga lang ako kanina nang may tatlong bakla at isang babae ang pumasok dito sa bahay saying na pagaganadahin pa nila lalo ako. And here I am, looking so fab in my tonight's get up.
"Here." Nagulat na lang ako ng may malamig na bagay na nilagay si Mama sa leeg ko.
I looked down to see what it is at napaawang ang bibig ko nang makita ang butterfly shaped necklace na kakulay ng sapphire ang isinabit ni Mama sa leeg ko.
The same necklace na nakita ko noon sa photo album ni Mama noong teenager pa siya. Ito din 'yung suot niya noon sa junior prom nila.
Ito din 'yung same necklace na gustong-gusto ko at hinihingi ko noon kay Mama dahil sa gusto ko nga ang design at kulay nito pero laging sinasabi ni Mama na sa kaniya lang daw 'yon at never niyang ibibigay sa akin.
But here it is, suot-suot ko na at tamang-tama lang ang sukat na nakasabit sa leeg ko. Nilingon ko si Mama na nasa likod ko at naluluha pa ding nakatingin sa akin, pero kahit na ganoon ay may matamis na ngiti sa labi nito.
"Mama." Naiiyak kong usal habang hawak ko ang necklace ko, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at niyakap ulit si Mama na sinuklian din nito ng mas mahigpit na yakap.
"I know that it'll suit you. I know that you're already beyond beautiful with or without an accessories but I know too that you're more beautiful with that necklace in you. Sabi ko ay ibibigay ko sa'yo 'yan sa tamang oras and there it is, looking more beautiful with you." Tinapik ako ni Mama at kumalas na mula sa pagkakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018