Chapter 4

7.6K 217 6
                                    


Green's POV

Humigpit ang kapit ko kay Kariz bang sinipsip nito ang bandang leeg ko. Humiwalay siya sa akin pagkatapos tsaka ako nginisihan.

"I was just kidding. Hindi na muna ako makikipag-sex sayo." Sabi niya at kinindatan ako bago ako nilampasan at umupo sa upuan niya.

May awa din pala itong isang to eh. Nakahingang maluwag na sambit ng isipan ko.

Napaupo ako sa couch niya dito at kinuha yung tubig sa basong nakalagay sa centre table tsaka ito ininom.

"Green!"

Nakakalahati ko palang yung tubig dito sa baso, nabuga ko na ng kaunti yung tubig. Nakatayo na siya mula sa upuan niya habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin.

Pinunasan ko yung bibig ko. "Anong problema mo?!" Pa-singhal na tanong ko.

"Tubig galing sa aquarium yan hindi tubig mineral!"

Literal na bumaba ang panga ko sa sinabi niya, dahilan ng pagtapon ng tubig sa loob ng bibig ko sa sahig. Nabitawan ko rin ang hawak kong baso kaya narinig ko ang pag-shatter nito at parang pinagsisihan ko na narinig ko yung mula sa kanya.

Nangilabot naman ng kaunti ang katawan ko dahil sa pandidiri. "Walang hiya ka, Kariz. Ba't hindi mo sinabi sakin kaagad??"

"Hindi ka kasi nagtanong eh." Sagot nito pabalik at napakamot pa sa ulo.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hay nako, Kariz." Nanggigigil na sambit ko tsaka mabilis ang mga lakad na lumabas ng library niya.

Pumasok ako kaagad sa banyo nang makarating na ako sa kuwarto ko. Dumiretso ako sa toilet bowl at binuhos lahat don ng ininom ko mula sa isang basong tubig na yon.

Tumayo ako tsaka pumunta sa sink para mag-toothbrush naman. Hinilamos ko narin ang mukha ko dahil hanggang ngayon kinikilabutan parin ako sa tubig.

Bakit kasi na sa lamesang yun ang baso galing sa aquarium?!

"Ugh." I groaned bago lumabas ng banyo at nagsimulang magpalit. Naghahanap palang ako ng damit na pampalit nang may kumatok sa pintuan ko. "Who's there?" I asked.

"It's me." Si Kariz pala.

Mabilis kong pinalitan ang damit ko. "Come in!" Sigaw ko nang matapos na akong magpalit.

Pinihit niya paabante yung pintuan at pumasok sa kuwarto ko. May dala itong isang baso ng tubig. "Don't worry. Mineral na 'to." Natatawang sabi niya nang mapansin siguro yung reaksyon ko.

"Inumin mo na 'to."

Kinuha ko yung tubig tsaka nilagok ito ng limang beses. Halatang naubos ang tubig sa loob ng tiyan ko ano?

Binigay ko it sa kanya pagkatapos. "Salamat." Sabi ko.

"Next time, wag mahihiyang magtanong." Sabi niya sabay kindat. Hindi nalang ako kumibo pa tsaka umupo nalang sa kama. "Hanggang two weeks ka lang dito, Green."

"Bakit?"

Bumuntong hininga muna siya bago umupo din sa kama. "Nothing."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Nothing?"

Pinaglandas niya ang mga mata namin. "Nothing important." Simpleng sagot niya pero mukhang seryoso siya. "Why? Gusto mo ng mag-stay dito?" Tanong niya tapos lumaki nanaman ang ngiti niya.

I huffed. Ako?? Titira sa kanya habang buhay? No way! Isang araw pa nga lang ako dito minalas na ako kaagad. Paano pa kung habang buhay akong maninirahan sa kanya? Baka nakalatay na yung katawan ko sa coffin ng ng hindi nalalaman ng mom ko.

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon