Chapter 19

5.8K 213 6
                                    


Kariz's POV

Pagkatapos kong bumaba ng sasakyan at naglakad papalayo sa kotse ko kung saan nakasakay ngayon si Green, nilabas ko ang mga ngiti kong kanina ko pa pinipigilan. My body knows how much I appreciated the flowers she gave. Kailangan ko lang talagang pagtakpan tong nararamdaman ko sa kanya para hindi niya mahalatang gusto ko siya.

"Ayos ang ngiti natin dyan, senyorita ah." Untag sa akin ni Mang Makisig. Napansin pala nito ang pag-ngiti ko ng malaki at hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa kanila.

Natawa ako ng bahagya. "Ikaw talaga, Mang Makisig, oh." Naiiling kong tugon. "Yung mga mangga po ba, na-deliver na sa kabilang bayan?" Tanong ko.

"Opo, senyorita. Kaka-deliver lang po kaninang umaga." Binitiwan niya yung hawak niyang basket. "Kasama niyo ho ba si ma'am Green?" Tanong niya.

Tumango ako ng bahagya. "Yeah. Iniwan ko siya doon sa kotse." Sagot ko.

"Kaya naman po pala." May kung anong kahulugan na tingin itong binigay sa akin dahilan ng pag-kunot ng akin noo.

"Kaya ano?" Tanong ko.

Natawa ito ng babagya. "Wala po." Tugon nito ngunit may makahulugang ngiti parin ito sa labi.

Napailing nalang ako at hindi na sumagot. In-obserbahan ko silang magtrabaho at may pinagalitan naman akong mga trabahador na hindi ginagawa ang trabaho nila. Buti nalang maayos silang kausap at nag-paumanhin sa akin.

Bumalik ako sa sasakyan ko ng walang imik. Pati pagpa-paandar ko ng sasakyan hindi rin ako nagsalita dahil nakatulog si Green sa loob ng kotse ko. Tinakas ba naman ang sasakyan ko papunta dito kaya itong kotse ko ngayon ang gamit ko para sunduin siya't tignan ang ani ng mangga.

Nang makarating na kami, tinapik ko ang kaliwa niyang braso para magising siya. Naalimpungatan naman ito't nagusing sa pag-tapik ko.

"Labas na tayo." Napatayo siya ng diretso. "Wag kang umasang bubuhatin kita papunta sa loob dahil kahit kailan hindi mangyayari yon." Sabi ko.

Napahikab siya. "I didn't." She replied.

"Tsk." I just said sabay labas ng kotse. Nauna akong pumasok sa bahay at hinintay siyang makapasok din dahil may sasabihin ako sa kanya.

"Yung bulaklak ba na bini—" I interrupted her immediately. This is so important.

"I wanna go out with you." I said in a single breath as she came inside my house. Natigilan ito sa paghakbang ng isang beses at parang hindi narinig ang sinabi ko dahil nakakunot ang noo niya. "Narinig mo ako?" Tanong ko.

Nagbaling muna ito ng tingin sa kaliwa't kanan bago humarap sakin. "Uhm. Yeah?" Di sigurado niyang sagot.

Napairap ako. "Ang sabi ko I wanna go out with you." Ulit ko.

"Eh kalalabas lang natin kanin gusto mo nanamang lumabas kasama ako?" She asked.

Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin nung una, pero nang ma-gets ko, napakamot nalang ako sa ulo dahil sa ka-slowan niya. Hindi naman kasi yun yung ibig kong sabihin!

"No! I mean like hang out with you! A date!" I specified.

Ayaw ko ng paligoy-ligoy pa dahil magmumukha lang akong torpe kapag nagpa-ligoy pa akong ayain siyang makipag-date sakin.

Tinaasan niya muna ako ng kilay, at natawa ng bahagya. "Ha?" She asked. "Ako?" Tinuro niya sarili niya kaya tumango ako. "Bakit mo ako ide-date?"

Napahilamos ako sa mukha ko. "Because I wanna go out on a date with you! It's simple! Are you retarded!?" Nainis na ako.

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon