Chapter 12

6.1K 212 4
                                    

Green's POV

"Papayag ka ba o hindi?"

Hinihintay nito ang sagot ko mga ilang minuto na ang nakakalipas. Nandidito kami ngayon sa kuwadra ng mga kabayo at kasalukuyang may sakit si Teki.

Sa totoo lang, hindi pa ako masyadong napapamahal sa mga kabayo ni Kariz kahit palagi kong pinapaliguan si Curlin. Pinanganak lang siguro talaga akong walang hilig sa hayop kaya ganito ang ugali ko sa kanila.

"Green Obregon." Madiin at malamig nitong bigkas sa pangalan ko.

Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya ngayon. Para kasing yun talaga yung hinihintay niya sakin eh.

"Don't make fun of me, Obregon. Marami pa akong kailangang gawin bukod sa maging equestrian girl ka at makakuha ng maraming pera."

Oh yeah. About that, pinuyat ko siya kagabi. I didn't call it a revenge, I just returned the favor she gave me kaya pahikab-hikab pa siya samantalang ako, gising na gising.

And money? I admit may kaya ako sa buhay ng akong mag-isa lang, pero parang gusto ko rin ang sinabi niyang magkaroon ako ng maraming pera para makapag-travel ako sa iba't ibang bansa. At yun ang gagamitin ko kaya namin napag-usapan yung sa pagiging equestrian girl ko kagabi.

"Hmm." Kunwaring nagi-isip kong pag-hum. "Sige." Payag ko.

She looked at me for a moment. "Sige. Means payag ka na, wala ng ibang paraan para tumanggi ka." She remarked.

"Wait!" Bigkas ko. "In one condition!"

Humalukipkip siya. "At ano naman yon, Obregon?"

"Pwedeng... umuwi muna ako sa Tagaytay—"

"No." Putol niya kaagad sa request ko kahit hindi pa ako tapos magsalita.

"Oh c'mon, Kariz!" Ungot ko. "Hayaan mo muna akong magli-waliw sa bahay ko—"

"You already said you were gonna be staying here with me for two weeks. So since nakakaisang linggo ka palang, that is not considered na two weeks bago ka makauwi sa bahay mo." Seryosong putol niya nanaman.

"But kailangan kong umuwi."

"For what kind of reason, Obregon?" She asked. "Give me an exact reason for me to give you an access to be able to get outta my estate and set you free for how many days you want." Mahabang litanya niya. "Bibigyan lamang kitang limang segundo para makapag-isip." Binilangan pa ako.

"S-sandali lang naman!" Protesta ko.

"Na-uh." Umiling pa siya. "5, 4, 3, 2..." Hindi ako kaagad naka-isip ng dahilan. "1. Time's up, Obregon." Ngumisi siya. "Ubos na ang limang segundo mo. Kailangan mo ng bumalik sa kotse ko tutal pumayag ka ng maging equestrian girl." Pagtataboy niya sakin. "There's no turning back, Green."

"There's no turning back, Green." I mimicked.

She just shooked her head on me ng may ngiti sa labi. Papadyak padyak naman akong bumalik sa jeep ni Kariz habang may nakasimangot na itsura sa aking mukha.

Kainis!

"Ang babaeng palaging naka-simangot, mabilis tumanda ang mukha."

Napabaling ang tingin ko sa kanan at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kaleb na nakatayo sa gilid ko habang may ngiti sa napaka-gwapo nitong mukha. Siya lang ang kilala kong veterinaryo na sobrang gwapo.

Minsan, naiisip ko din na, sana hayop nalang ako para ako naman ang alagaan niya sa tuwing may sakit ako.

Landi. Sambit ng isipan ko.

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon