Green's POV
"Oh my god yung braso niya!"
Paulit ulit kong sinisigaw yan sa mga kasama ko dito nang matuklasan nila ang nangyari kay Kariz ngayon lang. Shit her arms are dislocated! I wanna close my eyes but it's Kariz and she is so high at the moment!
"Oh my god dalhin niyo na siya sa hospital bilis!" Utos ni Yulo sa mga lalaking nakakita din sa nangyari kay Kariz.
Mabilis namang kumilos ang mga ito at inalalayan si Kariz na pumasok sa kotse. Parang wala lang ito kay Kariz dahil siguro sa kinain niya na brownies at naging manhid siya. Hindi ko talaga kayang makita ang dislocated niyang braso. Damn, those bones.
Kanya kanya kaming pumasok sa sasakyan at nasa sasakyan ako ni Yulo at nasa lap ko ang ulo ni Kariz para alalayan ito sa paghiga. Pinipilit ko talagang hindi tignan ang braso niya para hindi ako maiyak dahil kung ako ang nasa kalagayan na yon, iiyak talaga ako ng sobra.
"Ang tanga mo talaga kahit kailan." Bulong ko sa kanya habang hinahaplos haplos ang noo niyang pinapawisan. Natutulog naman siya kaya nasasabi ko yung mga salitan yon sa kanya. "Kahit naman may pagka-tanga ka mahal kita." Sambit ko na mas mahina pa sa bulong ko kanina.
"Kinabukasan na ang karera, Green. Siguradong hindi makakasali yang si Kariz dahil sa braso niya." Sabi ni Yulo sa akin.
Nag angat ako ng tingin nang magsalita si Yulo. Hindi ko pa masyadong kabisado ang mga gagawin sa laban na magaganap dahil halos magpaka busy ako sa mga ginagawa ko mula kay Kariz at sa iba pa. Pero diba marunong makipag karera si Yulo?
"Diba marunong ka?" Tanong ko dito.
"Yeah but not as good as Kariz because matagal na akong hindi nakikipag laban. Di gaya ng kay Kariz na every tournament kailangan kasali siya don." she explained. "Naturuan ka naman niya siguro kung paano mag handle ng kabayo ng tama hindi ba?"
I nodded. "Yeah."
"Yun pala. Malamang kaya mo ng i-handle ang laro."
"Pero kaming dalawa na ni Kariz ang nakalista sa laban."
Yun ang inaalala ko baka ma-disqualify siya at ayoko namang mai-talo ko itong laro dahil alam kong mahalaga ito sa kanya.
Nang makarating na kami sa hospital, agad nila itong isinugod sa ER dahil sa bali ng braso niya at kailangan na itong maagapan para walang masamang mangyari pa.
"Relax." Pampa kalma sakin ni Yulo. "She's so high kaya wala siyang mararamdaman. Tsaka kaunting anesthesia na iturok lang sa kanya mabilis lang maayos ang braso niya. She's invincible and very numb inside."
"Yeah. Kaya nga hindi niya napansin yung nararamdaman ko sa kanya noon palang eh." I said then rolled my eyes.
She chuckled. "Ganyan talaga. Lumaking walang minamahal na kahit sinong babaeng yan si Kariz kaya mahirap din para sayo na bigyan siya ng motibong gusto mo siya."
Napangiti din ako pagkatapos. Dumating din ang mga kaibigan ni Kariz kaya iniwan ko muna sila para bumili ng pagkain sa labas. Fast food nalang ang ibibili ko sa kanya at hindi muna ako bumili ng sodas baka kasi pagbawalan siya ng doctor after ng surgery.
Malamang masu-surgery si Kariz na sobra sa pagka stupid para ayusin ang bones niya. Pilit kasing umakyat sa puno hindi naman kaya. Tanga tanga kahit kailan.
Nakabalik na ako sa hospital at nabalitaan kong nasa kuwarto na siya. Sinabi sakin ni Cybil yung room number tsaka yung floor kaya doon ako pumunta habang dala dala ang pagkain ni Kariz.
"Jusko, sabihin niyo na kasi sakin kung nasan si Green!"
Hindi pa ako nakakapasok ng kuwarto naririnig ko na ang boses ni Kariz na nagwawala at hinahanap ako. Nakinig muna ako kung bakit niya ako hinahanap. Lumabas sina Cybil at Yuna at nakita naman nito ako kaagad.
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romansa"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...