Green's POV
"Ano ho ang nangyayari dito?"
Isang malalim na boses na tanong ng tiyak kong manager ng restaurant na pinasukan namin. Nakakatakot ang boses niya na parang kasing boses ang lolo ko.
Ibinaba namin ang pinaga-agawan naming steak at nag-angat ng tingin sa kaniya. Ang laking tao naman netong manager na 'to.
"W-wala po, ku—" inunahan ako ni Kariz na mag-salita.
"Anong pakialam mo?" Matapang na tanong nito. Sinitsitan ko siya para suwayin pero tinaasan niya lang ako ng kilay tapos binalik ang tingin sa lalaking matangkad pa sa kanya kahit pang-modelo ang katawan nito.
"Pasensya na ho pero nakakakuha na ho kayo ng atensyon ng mga tao dito sa loob." Magalang na sagot ng manager.
Tumayo ako at pumuwesto sa likod ni Kariz. "Kariz!" Pasigaw na bulong ko. "Hindi mo kakayanin yang ganyang kalaking katawan. Mapi-pilay ka lang!" Suway ko.
Sa laki ba naman ng katawan ng kaharap niya malamang kaunting hawak lang nito sa kamy ni Kariz mababali na yung buto niya.
She looked at me. "Are you nuts? May sinabi ba akong makikipag-away ako sa kanya?" Sabay matapang na tinuro ang mukha ng manager. "At kayang kaya ko yan kahit mukhang bato ang katawan niya!" At sinamaan ng tingin ang manager.
"Sabi ko naman kasi sayo sumang-ayon ka nalang sa sinabi niya eh. Napalabas pa tuloy tayo." Naiiling na sambit ko dito habang pinapagpag ang damit ko dito sa loob ng kotse niya.
Halata namang napalabas kami kaagad dahil sa binigay na attitude ni Kariz sa manager. Hindi man lang namin natikman ang mga pagkain na in-order namin. Kainis!
"At ako pa ang may kasalanan, Green. Sino ba ang kasama kong makipag-agawan sa steak, diba ikaw?" Katwiran niya. "Kung hindi mo lang inagaw sakin yung steak, makakain natin ang mga pagkain na nasa loob."
Aba't ako pa ang sinisi niya!
Hindi ko mapigilang panlakihan ito ng mata. "Hoy! Sino ba ang nag-ayang lumabas tayo ngayong gabi, diba ako?! Sino ang may-ari ng kotse na sinasakyan natin, diba ako?! So ako ang masusunod!" Sabi ko.
"At sino ang may-ari ng bahay na tinutuluyan mo ngayon, diba ako?" Nakangising sambit niya.
Binuka ko ang bibig ko, pero sinarado ko din. Napalabi nalang ako tsaka pinaandar ang sasakyan papaalis sa lugar na yon.
"Umuwi na tayo. Nakalimutan kong may kailangan pa akong pirmahan." Sabi nito ng hindi ako tinitignan dahil nakatutok ang tingin niya sa phone niya. Palaging hindi nawawala sa kamay niya ang phone kahit saan kami pumunta.
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy nalang ang pagda-drive. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay nitong humaplos sa hita ko.
"Kariz!" Suway ko at tinabig papalayo ang kamay nito sa hita ko.
"Just lemme touch your softness, Green." Mahinang sambit nito na parang sinasadya niya at binalik ang kamay sa hita ko.
Puputulin ko na talaga kamay nito, ang likot!
"Aray!" Daing niya nang pinitik ko ng malakas ang kaliwang kamay niya. "Green?" Hindi makapaniwalang sambit niya, mukhang hindi niya inasahang pipitikin ko siya.
"Sabi ko ng kamay mo eh. Hindi ka ma-sabihan sa isang salita. Kailangan ulit ulitin ko para para lang tumigil ka sa kalokohan mo." Naa-asar kong sambit.
"Tsk. Pahawak lang." bulong nito pero hindi ko narinig.
Hindi nalang ako nakipag-away pa dito dahil nakarating na kami sa pamamahay niya. Sabay kaming lumabas at nauna akong pumasok sa kuwarto ko para matulog na. Hindi ko narin ininda ang gutom ko dahil antok na antok na talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...