Green's POV
"Green!" Napamulat ang mga mata ko sa tapik at lakas ng boses ni mama. "Ano ba yan tanghali na hindi ka pa ba babangon dyan?" Tanong nito sa akin nang makita ko siyang may hawak na walis tingting.
"Anong oras na ba, ma?" Tanong ko na may kasamang hikab.
"Ala dose na kailangan mong mag-simba ngayon para sakaling matunaw ang mga kasalanan mo sa katawan."
"Ma naman. Para naman akong masamang tao kaya niyo ako pinapa-simba." Sabi ko sabay nguso.
"Hay nako, Green. Mas mabuti pang mag-confess ka na kay father kung anong kasalanan ang nagawa mo buong buhay mo." Payo nito bago lumabas ng kuwarto ko. Akmang tatayo na ako nang pumasok siyang muli. "Ay siya nga pala. Nandito si Kariz mukhang lasing at hinahanap ka."
Agad akong napatayo. "Ano!?"
Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo ng matagal para kapag lumapit siya sakin mabango ako.
Ay teka. Bakit ko kailangan maging mabango kung ayaw niya namang lumapit sa akin dati?
Ay mali! Nilapitan niya pala ako kagabi tapos yinakap tapos nag-confess siya ng damdamin niya sakin! Ayun pala dapat pala maging mabango nga ako kung halikan man niya ako sa noo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, nag-toothbrush ako. Malay ko kasi na halikan niya ako ng sobrang sarap. Mmp!
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin and smoldered a bit. "Hmm. U look so good, baby." Sambit ko bago lumabas ng kuwarto at pa-talon talon na bumaba sa hagdan.
"Ma, nasan siya?" Tanong ko at palinga linga sa sala.
Napakamot sa ulo si mama. "Hindi ko alam, anak eh. Hanapin mo nalang sa kung saan ng sulok ng bahay dito at maglilinis pa ako ng backyard natin."
"Ma, may katulong naman po tayo bakit hindi niyo po gawin sa kanila yan?" Worried kong tanong sa kanya.
"Hay!" Kinumpay niya kamay niya. "Hayaan mo na. Wala naman akong ginagawa eh." Excuse niya sabay alis papunta sa backyard namin.
Hinanap ko si Kariz sa sala baka nagtatago lang yun sa likod. Ngunit bigo ako nang hindi ko ito makita. Pumunta naman ako sa kusina at tinawag ang pangalan niya pero wala akong marinig na sagot.
"Green!"
Dali dali akong lumabas ng kusina papunta sa backyard nang marinig ko si mama na sumigaw.
"Mom, what is it!?" Hysterical ko na tanong sa kanya. Ngunit hindi na nito kailangang sumagot dahil may naririnig akong pag-sibak ng kahoy dito sa bakuran namin. "Kariz!?" Labis na gulat kong bigkas.
Paanong hindi ako magugulat eh napuna ko lang naman na nagsi-sibak siya ng kahoy dito. Pero hindi itak ang gamit niya kung hindi kutsilyo ni mama.
Naku po. Tanging yan na lamang ang nasabi ko sa isipan ko.
"Kariz, anong ginagawa mo!?" Tanong ko sa kanya at lumapit. Kaagad kong inagaw sa kanya ang kutsilyo at tinapon ito sa kabilang bakuran.
"Oh." Mukhang ngayon niya lang nalaman na nandito ako. "Hi, baby." She greeted.
"Baby?" Naguguluhang tanong ni mama.
Nanlaki ang mata ko. "Ah, ma! Greeny po ang sabi niya hindi baby." Dahilan ko sabay ngiti. Buti nalang medyo malayo ito sa amin. "Nagkamali lang po kayo ng pandinig." Dagdag ko.
"Hindi po, tita. Bab—" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Kariz.
"Ah, ma. Akyat ko lang po siya saglit." Paalam ko sabay hila kay Kariz na tila wala sa kanyang sarili. Inakyat ko siya sa kuwarto ko sabay lock ng pinto at tinapon siya sa kama ko.
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...