Chapter 1

17.4K 411 4
                                        

A/N: I made a video for them, pals. Hope you liked it😉

#####

Kariz's POV

"Kaya ba palagi mong kasama si Green dahil dito?"  Nagdududa si Yulo ngayon sa akin matapos niyang makita yung pinagtatawanan kong video.

"Yes." I said.

"Oh my goodness, Kariz. You really are my best friend." Nakangiting sambit niya.

"Bakit? Ano ba yun?" Nakalimutan namin si Cybil ang nasa harapan namin na kaibigan ni Green.

Nagkatinginan muna kami ni Yulo tapos sa kanya. "Nothing."

Nagkwentuhan muna kami bago ko napagpasyahan na umuwi dahil marami pa akong gagawin sa hacienda ko. Pumasok ako sa kotse ko tsaka ito pinaandar papunta sa Pasig.

About the video, actually it's my sex video with Green Obregon. Hindi ko yun sinasadya dahil may CCTV talaga sa loob ng kuwarto ko at nafi-film lahat ng mga gawain ko dun.

Wanna know how did she got into my room? Kukuwento ko na sainyo habang bumi-byahe ako.

Flashback...

"Mang Makisig, kamusta ang mga buko natin dyan?" Tanong ko kay mang Makisig nang maabutan ko itong naglalagay ng buko sa basket kasama ang anak niya.

Tumigil ito sa pag-lipat ng buko at lumapit sa akin. "Mabuti naman, Kariz. Marami kaming nakuhang buko ngayong buwan na ito." Kung ano ikina-kisig ng pangalan niya, ganun ang ikina-payat ng katawan nito.

"Harvesting season kasi ng buko ngayon kaya marami tayong na-ani." Sabi ko.

"Tay!" Lumapit sa amin ang pitong taon niyang anak na babae at ipinakita ang buhat buhat niyang bilang na buko sa isang maliit na basket na para sa kanya lang.

"Ano yon, anak?" Tanong niya sa anak niya.

"Tapos na po. Ang dami kong nalagay sa basket oh!" May ngiti sa labing sambit niya.

Ginulo ni mang Makisig ang buhok niya. "Ang galing naman ng anak ko!" Halatang natuwa siya sa nagawa ng anak. "Sige na, tulungan mo muna ang nanay mo sa bahay."

"Opo!" Sabay buhat ulit ng basket at masayang pumunta sa bahay nila malapit dito sa hacienda ko.

"Akala ko ba nag-aaral na yung anak niyo, mang Makisig?" Takang sabi ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo. "Kinulang ho kasi kami sa pera nung pinag-enroll namin siya. Nagsimula na yung klase at tiyak kong hindi niya na ito maaabutan."

"Bakit hindi niyo po sinabi sakin?" Sayang naman dahil grade one na sana yung bata.

"Nahihiya na ako sainyo, ma'am Kariz. Ang dami niyo na pong tinulong sa pamilya ko."

Napailing ako. "Mang Makisig, pang-enroll lang naman yung babayarin niyo sa anak niyo at hindi na kayo magbabayad pa ng ibang tuitions dahil libre lang yun di po ba?" Tumango siya. "Ito." May nilabas akong pera mula sa wallet ko tsaka ko ito binigay sa kanya.

"Pero, ma'am—" I interrupted his protest.

"Ihabol niyo yung anak niyo sa school habang maaga pa. Ang anak mo rin ang magiging pag-asa mo, mang Makisig kaya kisigan mo rin ang loob mo para sa kanya." Sabi ko sabay binigyan siya ng isang matipid na ngiti sa labi.

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon