Chapter 20

5.6K 203 10
                                        

Green's POV

"I wanna go with you!"

"No! Dito ka nalang dahil malayo pa ang kailangan kong i-byahe papunta sa amin!"

"Ey ah-uh. Naka-pack na yung mga gamit ko so whether you like it or not, sasama ako."

"Kariz!"

Kanina pa ako naiinis sa kanya habang nagi-impake ako ng mga damit ko dito sa maleta ko. Uuwi muna ako ng Tagaytay dahil tumawag ang lola ko na gusto niya daw akong makita. Yung tatay ko naman pinipilit akong makauwi dahil ako daw ang gusto ni lola para alagaan siya.

Ito namang si Kariz, kanina pa kami nagba-bangayan dito na sasama daw siya papunta sa amin. Ako naman ang ayaw dahil marami pa siyang mga paperworks na kailangan tapusin dito sa hacienda niya.

Pero ang totoo, ayaw ko lang talaga siyang makasama ko papuntang Tagaytay dahil kilala ko ang mga magulang ko.

Kapag kasi nagdala ako ng taong makakasama ko sa iisang bubong sa bahay ko, iisipin kaagad nila na ka-live in partner ko ito at ang tatay ko hindi na maghihintay ng paliwanag ko dahil malamang si Kariz na ang pasasagutin nito.

Napag-usapan kasi namin nung isang gabi na pwede akong umuwi sa amin dahil nga matatapos na ang two weeks na paninirahan ko dito.

Yung sa training ko para sa mga kabayo, next next week nalang daw yon kapag nakauwi na daw ako. Or should I say kami. Hindi ko naman inaasahan yung sunod niyang sinabi na sasama daw siya kaya ito nagba-bangayan parin kami hanggang ngayon.

"I am already packed." Untag nito sa akin kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya at nakita ko ang maleta nitong malaki.

I shooked my head in disbelief. "Ang kulit talaga ng bungo mo!" Sambit ko.

"At least not empty headed as you." She said back. May gana pa talaga siyang sabihan ako ng ganyan.

"May trabaho ka pa dito—"

"Natapos ko na kagabi." She interrupted.

"Yung mga—" natigilan ako sa pagsasalita dahil may tumatawag sa kanya.

"Hello, Barb?" Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na yon sa kanya.

Umalis ito ng walang paalam at lumabas pa sa kuwarto ko para makausap ng pribado ang Barb na yon.

I'm guessing na isa ito sa mga kaibigan niya.

"Nah." Nagkibit balikat nalang ako tsaka ko pinagpatuloy ang pagi-impake ko ng mga damit sa maleta.

Nang matapos na ako, kinuha ko ang susi ng kotse ko sa drawer tsaka ibinaba ang maleta tapos hinila ito at nagsimula na akong maglakad papalabas ng kuwarto.

Nang mabuksan ko ang pinto, nakita ko itong in-end na ang linya dahil malamang tapos na silang magusap ng kaibigan niya.

"Pumapayag na akong—"

"I'm sorry but—" she paused then sighed. "I can't go with you for today."

"What?" Kumunot ang noo ko. "Why?" I asked.

She sighed. "May bisita pala akong kailangan asikasuhin mamaya dito." Binulsa nito ang telepono sa kanyang side pocket. "She's gonna be here in an hour." Sagot niya.

"She?" Parang yun lang ang narinig ko sa sagot niya.

Tumango siya. "Yes. She."

My eyes turned into disappointment. "O-okay."

Wait. Why am I being so disappointed!?

Naglakad ito papunta sa library niya. "You can go now." Yun lang bago binuksan ang pinto at pumasok sa library niya. Pinanood ko pa itong sinarado ang pinto. At nang wala na ito sa paningin ko, napabuntong hininga ako.

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon