Green's POV
"Hold this thing tightly dahil kapag hindi mo ito nahawakan ng mahigpit, mawawalan ka ng balanse at may possibility na mahulog ka mula sa likod ng kabayo."
Kinuha nito ang kamay ko at iginayad ito pahawak sa halter ng kabayo. Ito yung equipment na pinaliwanag niya sakin para i-lead ko ang kabayo na gagamitin ko ngayon. Mabilis naman akong mag-memorize ng mga gamit kahit medyo naninibago ako sa salita.
"Nakikinig ka ba?" Napapitlag ang balikat ko sa gulat nang bumulong ito sakin dahilan rin ng pag-tama ng balikat ko sa baba niya kaya napaatras ang ulo nito. "Aray!"
Nilingon ko siya mula sa likod ko. "Bakit kasi ang lapit lapit ng mukha mo sa tenga ko?" Ako pa ang nainis sa ginawa niya. Hawak nito ang kanyang baba.
"Halatang hindi ka nakikinig sa sinasabi ko eh!" Atungal niya pabalik sakin. "Hindi ko nga alam kung nakinig ka ba talaga sakin kanina nung pinapaliwanag ko sayo lahat—"
"Oo nakikinig ako!" I interrupted.
Pinaningkitan niya ako ng mata. "You have no right to interrupt me just like that, Obregon." Banta nito. "Gusto mo bang i-hulog kita dito ng isang pitik lang?" Dagdag niya. "Si Curlin pa naman ang kabayong sinasakyan natin, baka gusto mong magasgasan ng wala sa oras yang mukha mo."
Pinaningkitan ko din siya ng mata. "Subukan mo. Mababawasan ang panalo mo kapag hinayaan mong magasgasahan ang mukha ko." Banta ko rito pabalik.
Huh. Akala niya naman siguro magagawa niya akong bantaan dahil sa sinabi niya. Mautak yata 'tong substitute teacher na 'to. Wala akong pakialam sa mga banta banta niyang yan!
"You're such a—!"
"What??" Hamon ko dito.
Humalukipkip siya. "Halikan kita dyan eh." Bulong nito ngunit hindi ko marinig dahil halos lagaslas na nito itong sinabi.
"Pa-bulong bulong ka pa dyan." Sabi ko at in-akma kong babatukan siya.
"Sige!" Hamon niya at pinanlakihan pa ako ng mata. Pinitik ko nalang yung noo niya dahilan ng pag-daing nito ng kaunti at humawak sa noo. "Obregon!" Sigaw nito sa apilido ko.
"Wag ka ngang mag-ingay!" Sigaw ko pabalik at hinawakan na ang halter. "I'm trynna concentrate here, can't you see? Are you blind?"
"Aba—!"
"Hep!" Putol ko dito at sinimulang hilain pababa ang halter. Ngunit ayaw gumalaw ni Curlin sa pwesto niya kaya inulit ko itong muli. "Bakit ayaw?" Tanong ko sa kanya havang pilit kong tinataas baba ang halter.
"Tsk." Talak nito at kinuha ulit ang kamay ko. "Bakit kasi dyan ka humahawak eh bakal niya yan." Tsaka bito ginayad ang kamay ko sa tali. Dyan ka muna humawak dahil dyan ko talaga pinalagay yung tali para sa ensayo mo ngayon."
"Pwede namang—"
"Tumigil." Putol nito sa sasabihin ko. "Focus on the driveway," hinarap niya ang ulo ko sa harap mula sa pagkaka-side nito.
Umirap nalang ako at hinila ng bahagya yung tali para mapagalaw ko na si Curlin at magsimula na itong maglakad. Ngunit ayaw parin nitong maglakad kaya hinila ko pa ng bahagya yung tali.
"Hindi kasi ganyan." Sabi nito.
"Eh paano—" bigla akong natigilan sa pagsa-salita nang humaplos ang dalawa nitong kamay sa bewang ko at huling hinawakan ang kamay ko. "— ba?"
This is weird. Ngayon ko lang naramdaman itong feeling na ito na sa tuwing humahaplos ang kanyang mainit-init na kamay sa buong katawan ko. There is an electricity that is still hitting inside my body and I couldn't stop dahil nakayakap na ngayon ang katawan ni Kariz sa akin since nakahawak ang kamay nito sa kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/130038439-288-k810721.jpg)
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...