Green's POV
"Green!"
Napalingon ako kay Corrie nang tawagin ako nito mula sa hallway habang ang mga bata dito ay naguunang tumakbo para makalabas na ng hallway. Parang ito pa ang nagbi-break ng rules na bawal sumigaw across the hallway.
Ibang klaseng administrator to ah. Sambit ko sa isipan ko.
"Hi." Bati ko sa kanya nang makalapit na ito sa akin.
"Tara na?" Kita ko ang excitement sa mata nito.
Kumunot ang noo ko. "Anong tara na?" Tanong ko.
"Diba inaya kita kaninang umalis?" Sagot niya.
Doon ko naman naalala ang sinabi niya sa akin. "Oh yeah." Naalala kong sambit. "Pasensya na ha? Malilikot kasi yung mga batang binantayan ko kaya nakalimutan ko sa isipan ko yung about don." Paghingi ko ng pasensya.
"Ayos lang." naiintindihan nitong sagot.
Kamukhang kamukha talaga niya si Kariz kung wala siyang salamin. Nagdududa kong sabi sa isipan ko.
"Uhh. Why are you staring at me like that?" Tanong nito.
Nagbawi ako ng tingin. "Kamukha mo lang kasi yung taong kinaiinisan ko." Sagot ko tsaka tumingin sa kanya. Nahuli ko itong nakatitig din sakin kaya hindi ko mapigilang matawa ng bahagya. "Ikaw din naman."
"H-ha?" Binawi niya tingin niya sakin. "Sino ba kinaiinisan mo?" Pagi-iba nito ng topic.
"Kariz Pinto ang buong pangalan." Parang nabalik yung inis ko nang masambit ko nanaman yung pangalan ni Kariz. Kahapon kasi hindi maganda ang pag-alis ko sa bahay niya eh.
"Kariz Pinto? Equestrian girl??"
Napatingin ako kaagad sa kanya. "Kilala mo?" Gulat kong tanong.
Natawa siya ng bahagya at nagsimulang maglakad kaya naglakad nadin ako. "How couldn't I know her? Siya ang pinaka-magaling mangabayo dito sa Pilipinas. Siya rin ang babaeng unang nakakuha ng pinaka-mataas na thropy at malaking halaga ng pera dahil sa kabayo niya." Litanya niya dahilan ng pag-awang ng bibig ko.
Ang daming alam nitong katabi ko sa Kariz na yun ah.
"Nakilala mo na ba siya?" Tanong ko.
Bigla namang nalungkot ang mukha niya. "I wish I could but hindi kami pinagtatagpo ng tadhana." Malungkot nitong saad.
"Kamukha mo naman siya kaya di mo na siya kailangang makita pa."
Natawa naman ito ng bahagya. "Ang dami ngang nagsasabi niyan eh. Pero hindi ko pinaniniwalaan dahil hindi pa kami nagki-kita sa personal. Gusto ko talaga siyang makita dahil kada lumalaban siya, sa kanya palagi ang pusta ko." Litanya niya.
Huminto kami sa may parking lot. "Gusto mo ba siyang makilala?"
Mukhang mabait naman siyang tao at mukhang gustong gusto niya talagang makita si Kariz. Biruin mo nga naman, may tao pa nga palang nagkakagusto sa kanya bilang isang mangangabayo kahit na may pagka-masama ang ugali niya.
"I would love to!" Excited nitong sagot.
Ngumiti ako ng tipid. "Next time na pag-uwi ko sa bahay niya iku-kwento kita sa kanya, sounds great?" I asked.
"Yes!" Kumi-kislap kislap na mga mata niyang bigkas. May kinuha ito sa wallet niya pagkatapos at may binigay na card sa akin. "Dito tayo magkita sa restaurant na 'to ha?"
"Oh." Bigkas ko.
Akala ko kasi sasakay ako sa kanya at sabay kami pupunta sa restaurant kung saan niya gusto. Umasa nanaman akong may magpapaka-romantic sa akin ngayon dahil kamukha niya si Kariz. Magkatulad lang naman pala sila.
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...