Green's POV
"Dito kayo! Dito!" Ma-otoridad na utos ng pulis at pinaupo kami sa monoblock chair ng police station.
Yes, nandito ako ngayon sa police station dahil sa gulong dinulot ng babaeng nasa harapan ko kanina sa convenient store. Ang mga buhok nito ay parang sinunog dahil nalagas ang ilang mga hibla niya.
"Chief, hindi ko kasalanan—" pinutol ako ng chief ng estasyon nito.
"Wala pa akong tinatanong kung sino ang nagsimula, Miss Obregon." Magalang nitong sambit sa akin.
"Anong hindi!?" Umiiyak na sabi ng babae. "Tignan mo nga itong buhok ko! Parang pinaghihila na ng unggoy sa paghila mo ng sobra!" Sigaw niya.
Mabilis akong tumayo at hinawakan ang polo ng damit niya. "I already warned your stupid mind yet you still fought back!?" Pasigaw kong bulong sa kanya.
"Miss, tama na yan!" Suway ng pulis sa akin at hinila ako pabalik sa upuan ko.
"Chief! Siya dapat ang makulong!" Turo sa akin ng babaeng nakasabunutan ko kanina. Buti nga ako fresh na fresh pa kahit nahila niya ang buhok ko.
Napaawang ang labi ko ng bahagya. "You are so!" Tumayo ako at akmang susugurin siya nang humarang nanaman sa harapan ko yung dalawang pulis at hinawakan ang braso ko. "Bitiwan niyo ako!" Reklamo ko sa kanila.
"Miss, kung hindi ka papa-kalma eh talagang iku-kulong ka namin!" Sabi ng chief.
Marahas kong iwinasiwas ang braso ko sa dalawang pulis at umupo. "I wanna go home!"
"Kailangan niyo muna pong bayaran ang mga pagkain at gamit na—"
"Paano ako makakapag-bayad wala nga yung wallet ko!" Sigaw ko sa chief nila. Wala na akong pakialam kung pulis siya o hindi.
"Meron ho ba kayong pwedeng tawagan para ilabas kayo dito sa estasyon namin?" Tanong nito.
"Meron!" Sagot ko.
"Hinay hinay lang ho sa pag-sigaw, miss Obregon. Naririnig ko ang katwiran niyo dahil tayo ay magkalapit lamang."
Pabalang akong tumayo. "Babalikan ko lang yung taong pinuntahan ko at babayaran ko yunng may ari ng store." Ani ko.
"No! I kulong niyo yan!" Umiiyak na giit ng babae kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ka talaga titigil babae ka!" Galit kong sigaw tsaka sinugod siya at sinabunutan pa. Wala na akong pakialam kung nagsisi-sigaw na siya dito sa loob dahil sa sakit ng pagkakasabunot ko.
Pinigilan nanaman ako ng mga pulis at napagdesisyunan ng chief na ikulong muna ako ng panandalian habang wala pang magsu-sundo sakin.
Kinulong ako sa isang kulungan dito na may tatlong mala-sigang lalaki ngunit ang papayat naman, tsk. Kung makatingin sa akin akala mo gusto na akong lamunin.
"Anong tini-tingin tingin niyo dyan!?" Masungit kong tanong sa kanila.
"Ang tapang mo, miss ah." Sabi ng lalaking pinaka-malaking katawan kuno sa kanila at tumayo mula sa pagkaka-masahe sa kanya ng isa tapos lumapit sa akin. "Anong kasalanan mo at bakit ka nakulong dito?"
Nagpa-meywang ako. "Nothing you care about as a jackass person." I plainly replied.
Parang na-insulto ito sa sinabi ko. "Ang yabang mo ah. Siguradong maliit na bagay lang naman ang dahilan kung bakit ka nandito." Aniya.
Ngumisi ako, na parang may gusto akong isunod doon sa babaeng sinabunutan ko kanina. Kung kilala lang talaga ako nito katatakutan niya ako.
"Anong nangyari sa lalaking yan?"
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...