Kariz's POV
"Bakit hindi nalang ikaw ang kumuha sa susi ng kotse ni Kariz?! Tutal palagi ka namang pumapasok sa kuwarto niya!"
"Bakit ako uutusan mo!? Diba ikaw kapatid niya at kambal pa, bakit hindi ikaw ang kumuha!?"
Nagising ang diwa ko mula sa paglalakad nang makarinig ako ng sigawan habang patungo ako sa kusina para mag almusal. Gosh ang aga aga dito pa ako makakarinig ng away.
Naabutan ko sina Corrie at Barb na magkaharap at magkasalubong ang mga kilay. Ano nanaman pinaga-awayan nila.
Sa tuwing nagkikita sila dito sa pamamahay ko, hindi ko na sila nakikitang magkasundo kahit sa maliit na bagay. Ewan ko ba kung ano ang dahilan.
"Ano nanaman yang paga-away na yan ang iingay niyo natutulog pa si Green sa kuwarto ko." Suway ko sa kanila nang makalapit.
"Ito kasing si Barbie ayaw niyang kuhanin ang susi mo sa kuwarto." Sabi ni Corrie at dinuro pa si Barb.
"Barbara pangalan ko hindi Barbie!"
Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. "Tama na yan, kayong dalawa." Tumingin ako kay Corrie. "Ikaw. Anong gagawin mo sa susi ng kotse ko."
Napakamot siya ng ulo. "Nawalan kasi ako ng gas saktong pagpunta ko dito sa bahay mo."
"See?? Ang yaman yaman mo wala kang pang-fulk tank sa gas mo." Sabat ni Barb kaya tinignan siya ni Corrie.
"Ikaw nga ang yaman yaman mo din wala kang pambili ng shorts mo." Sagot naman nito pabalik.
"This is what you called style!"
I just chuckled. Ang haba kasi ng suot na sweatshirt ni Barb kaya hindi makita yung suot niyang shorts.
"Wag ka na munang umalis. Uutusan ko nalang yung tao ko para bumili ng gas para sayo." Sabi ko at naunang naglakad patungo sa dining area.
"Ayaw mo lang akong pagamitin ng sasakyan mo eh."
"Kinda." Sagot ko kaagad bago umupo. Napansin kong siya lang ang sumunod sa akin at wala si Barb. "Gusto din kasi kitang kausapin about sa pami-migla mo sa akin na may kambal ako."
"And gusto ko narin makausap ang mama ko."
So ayun, habang kumakain kami, nagu-usap din kami at the same time about my confusion and about kay mom. Hindi niya pa nga talaga nakikilala si mom at halata sa mga mata nito ang pananabik. I didn't ask about my dad. My mom is enough for me dahil kung hindi dahil sa paghihiwalay nila, edi nakilala ko na noon pa ang dad ko at magkasama kaming dalawa ni Corrie hanggang sa pag tanda.
"Ayaw mo bang makilala si dad?"
"Nope." Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. "Tara na. Puntahan na natin si mom."
Hindi nito napigilang mapangiti sa aking simambit at yinakap ako dahilan ng pagka bigla ko.
"Thank you." Bulong nito.
Yinakap ko siya pabalik. "You're welcome." Tinapik ko ang balikat niya. "Tara na." Aya ko sabay naunang lumabas. Inutusan ko ang kasambahay ko na kunin ang susi ng kotse ko.
"Saan ka pupunta?"
Napalingon ako kay Green nang magtanong ito. "Hey." Bati ko. "Pupunta lang kami kay mom."
"Oh." Tumango tango ito. "Kumain ka na ba, Corrie?" Tanong niya sa kapatid ko.
Napakunot ako ng noo dahil inuna niya pang magtanong sa kapatid ko kaysa sa akin. Uhm, hello? Nandito ako na magiging girlfriend niya tapos yung kapatid ko tatanungin?
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...