Kariz's POV
Pagkatapos kong tinanggihan si Barb sa balak niya sa akin, kaagad akong lumabas papunta sa garden at umupo sa lounge area ko. Nilabas ko ang vape ko at sumipsip ng katas nito bago ibinuga sa hangin.
What did I just do? Natanggihan ko kaagad si Barb kahit na ang hot niya sa pag-upo paharap sa akin kanina. Noon hindi ko siya tinanggihan pero ngayon— ang dali nalang sa akin ah.
Dahil ba sinabi sa akin ni Green na gusto niya ako? At nagustuhan ko talaga ng sobra ang pag-confess niya dahil ako matagal ko na siyang gusto. Maghihintay na lamang ako ng ilang moments naming dalawa bago siya mahulog sa akin.
That's all what I am planning. Wala akong planong pa-ibigin siya tapos sasaktan sa huli. Mahirap na dahil siya ang kauna-unahang bumihag sa puso ko noong bata hanggang ngayon. I was once a womanizer but kailangan ko ng tapusin yung sa amin ni Barb.
But not now.
Wala pa akong alam kung kailan ako mamahalin pabalik ni Green. Ayoko yung ako lang nagmamahal sa amin dalawa ano. And it's kinda awkward for me because I'm not the type of person na palaging sinasabi ang salitang mahal dahil napunta sa iba ang isipan ko simula nung umalis kami papuntang states.
Ang tanong, paano ko siya mapapa-ibig?
Sandaling sumagi sa isipan ko yung sitwasyon niya pala ngayon tungkol sa sex video naming dalawa sa tuwing kina-kama ko siya sa kuwarto ko. Kailangan ko munang mahanap kung sino ang salarin sa pag-upload ng video na yun at malamang yun din ang daan ko para mapalapit na ang loob sa akin ni Green.
"You want weed?"
Umangat ang tingin ko sa taong nag-alok. Si Galey na may hawak na isang supot ng weeds. She ain't smoking tho. Inaabot niya lang sa akin at hindi ko alam kung saan nito galing ang bag ng weeds.
"I don't take weeds. But thanks." Tanggi ko at humithit ulit sa vape ko. "Ayokong maging high."
Umupo siya sa upuan sa harap ko. "Sabi nila masarap daw sa pakiramdaman ito." Curious nitong sambit at inamoy ang labas nito. "Masubukan nga."
"Sige at hindi na kita mapapatuloy sa pamamahay ko." Banta ko at pinanlakihan pa siya ng mata.
Napanguso siya. "Ito nalang ang io-offer ko sayo." Sabi niya bago may nilabas sa maliit nitong bag na may container na maliit.
"Tingin nga." Sabi ko sabay kuha ng container na maliit at inalis ang takip nito. "Brownies?" Tanong ko sabay nag-angat ng tingin sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Bigay sakin ni Sage yan eh. Try mo." Sagot niya.
I snorted. "Bukas nalang." Akmang kukunin niya sa akin ang container nang inilayo ko ito sa kanya. "Oh anong ginagawa mo!" Masungit kong tanong.
"Sabi mo bukas nalang."
"What I mean is— bukas ko nalang kakainin ito pero sa akin ito!" Madamot kong sambit sabay tayo at pumasok sa loob. Nilagay ko ang brownies sa ref ko at pumanhik muna sa secret room ko para malaman kung nasaan si Barb. Sa phone ko sana titignan kaso naiwan ko sa sala at tinatamad akong pumunta doon.
Umupo ako sa swivel chair ko at pinanood ang ginagawa ng mga kasambahay ko sa kusina. As usual naglilinis na silang lahat doon at mukhang yun nalang ang tatapusin nila bago sila matulog sa kuwarto nila.
Tinignan ko naman ang garden ko. Wala na doon si Galey baka umuwi na or makikitulog nanaman sa akin. Hindi na awkward samin yung nangyari noon dahil wala namang malisya yung nangyayari samin tuwing init na init ang mga puson namin. Siya naman may kasalanan kaya nag-sex kami sa opisina ko at nahuli pa kami ng mga kaibigan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/130038439-288-k810721.jpg)
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...