Green's POV
Morning. Maganda ang gising ko ngayong umaga dahil kagabi ay hindi na ako muling kinulit pa ni Kariz tungkol sa pagha-hangout sana namin. Buti nalang hindi ito natuloy dahil kagabi ay naramdaman ko talaga ang pagod ko kaka-sigaw ng tulong. Hindi pa naman niya ako tinulungan kaagad at hinintay niya pang mag-banta ako bago siya sumampa sa kabayo at patigilin ang masarap na gawing tapa na si Curlin.
Inayos ko na lahat lahat ng aking gamit. Apat na araw na lamang pau-uwiin niya nanaman ako sa bahay ko sa Tagaytay para daw mapag-isa muna siya at hindi tatanggap ng bisita.
Matapos kong makaligo, lumabas ako ng kuwarto at naglakad patungo sa kusina upang makapag-patimpla ng sarili kong kape. Ayaw kong ipa-timpla ito sa iba dahil hindi nila ito makuha ng tama kaya ako nalang ang gagawa.
"Magandang umaga ho, manang." Bati ko kay manang Mariana na naabutan kong nagluluto ng agahan para sa kanilang senyorita na si Kariz.
"Magandang umaga din, ija." Bati nito pabalik.
Ngumiti ako ng tipid dito at pumunta sa coffee maker para i-brew ang black beans sa lalagyan. Nag-hintay muna ako ng tatlumpung segundo bago ito nagkalaman. Kinuha ko ito at tininplahan na ng creamer at sugar. Kaunti lang naman yung sugar na nilalagay ko dahil hindi ako masyadong mahilig sa matatamis.
"Pendejo!"
Sabay kaming napalingon ni manang sa sumigaw na si Kariz sa labas ng kusina. Sino nanaman yung sinasabihan niya ng stupid sa ganitong oras ng umaga? Wag naman sanang mapunta ito sa puntong tatanggalin niya sa trabaho ang taong yun dahil sa maliit na malit nitong nagawa.
Lumabas ako habang hawak ang coffe mug ko pati narin ang croissant na ginawa ni manang Mariana at pinuntahan si Kariz. Nasa harapan nito ang isa sa kasambahay na nakayuko habang may hawak na basahan sa kamay.
"Kariz." Tawag pansin ko dito kaya nilingon niya ako. "Ano nanaman ba ang sini-sigaw-sigaw mo dyan umagang umaga?" Tanong ko.
"Binangga niya ako kaya muntikan ng mahulog yung cellphone ko!" Halatang inis na sagot niya at nilingon ang kasambahay. "You're—"
"Baka hindi niya naman sinasadya." Inunahan ko na ang sasabihin niya dahil alam kong magiging masamang balita ito sa babae kung matatanggal siya sa trabaho. Tumingin ako sa babae. "Sige na, pan-timpla mo ako ng juice." Dinahilan ko nalang na utusan siya para maka-alis siya dito.
Humingi muna ito ng pasensya kay Kariz na ang sama parin ng tingin sa kanya tapos nag-pasalamat siya sakin bago nawala dito sa sala. At matapos nga nitong mawala, sa akin naman binunton ni Kariz ang kanyang tingin.
"Why did you cut my sentence off? Are you allowed to do that?" She asks.
"No." Humigop muna ako ng kape ko. "Alam mo, kung hindi mo babaguhin ang ugali mo, Kariz. Mawawalan ka ng taong nagpapahalaga sayo." I retorted meaningfully. Totoong mawawalan siya ng maga-aruga sa kanya o ng taong malapit sa kanya kung ganyan ang ugali niya.
Hindi ko naman mina-masama ang mabait nitong ugali minsan pero mas makikita mo sa side niya yung pagiging masungit at dominante kaysa sa pagiging mabait niya sa mga tao. Pili na lamang ang mga tao dito kung saan mabait si Kariz sa kanila.
Humalukipkip siya. "And what do you mean by that?"
"Kung hindi mo babaguhin ang pag-trato mo sa kanila, one day, magigising ka nalang, na mag-isa ka nalang sa buhay at wala na ang mga taong ini-intindi ang ugali mo." I specified. Gusto ko habang maaga pa, kailangan malalaman niya bna ang kanyang kapalaran kung ipagpapa-tuloy niya ang ugali niyang yan.
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...