Chapter 13

6.2K 210 42
                                    

Kariz's POV

Napatayo ako kaagad sa couch at umalis sa ibabaw ni Green nang marinig ko ang boses ni Yulo na walang paalam na pumasok sa pamamahay ko. Tsk. Sinabi ko na nga sa mga gwardya kong wag muna tumanggap ng bisita maliban kay mom eh.

"Hey!" Parang walang nangyaring bati ko sabay kaway sa kanya.

Tinignan muna ako nito ng makahulugan bago nilingon si Green. "Can I have her ass for now, Green? I need to tal to her..." sabay lingon sakin. "...in private." Bigay diin niya sa salita.

Nag-angat ng tingin sakin si Green. Tinanguan ko lamang ito kaya tumayo siya tsaka kinuha ang damit nitong tinapon ko sa sahig kanina bago umalis at iniwan kaming dalawa dito ni Yulo.

"I know—" pinutol niya kaagad ang paliwanag ko.

"Where's my horse, Kariz Pinto?"

Napailing ako sa isipan ko. Naririto lamang pala siya dahil sa kabayo niya. Akala ko pa naman bibisitahin niya ang bestfriend niya, which is ako. Hmp. Matagal na kaming hindi nagki-kita ni Yulo, mga one week na. Pamilyadong tao na kaya mas medyo nawalan na ito ng time para makipag-bonding saming mga kaibigan niya.

Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya lalo na't nanganak na si Cybil at kailangan talagang bantayan ito ng mag-asawa ng mabuti. I can't wait to see my goddaughter. I can't wait to pinch her cheeks!

"Kariz Pinto!" Napapitlag ako sa gulat nang bigla nitong sinigaw ang pangalan ko.

"What??" I asked.

"You just kept staring at me like that! Hindi mo sinasagot ang tanong ko kung nasan si Teki!"

I rolled my eyes. "Duh. Malamang nasa kuwadra!" Sagot ko sabay lapit dito. I kissed her cheeks. "Hello my best friend." I greeted.

She just made a tsk sound. "Halika na. Kapag may nangyaring—"

"Wala pala dito ngayon ang kabayo mo." Bawi ko dahilan ng pag-kunot ng noo niya. Nakalimutan kong nasa hospital pala ngayon si Teki kaya hindi niya makikita dito ang kabayo niya.

"What!?" Nag-panic ito bigla. ""Is he dead!?"

"No!" Mabilis kong sagot. "Hindi ko naman hahahayaang mamatay sa sakit si Teki ano. Pinagpaguran kong i-deliver siya dito mula sa ibang bansa tapos dahil lang sa isang sakit, mamamatay siya?? No way!"

Hinawakan niya ang wrist ko. "Saang hospital, Kariz??" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Basta sinabi ng mokong na yun na dadalhin niya ito sa hospital." Tukoy ko kay Kaleb. "Hindi siya pwedeng gamutin dito dahil kailangan ng surgery. Nagka-infection kasi ito sa tyan at malamang dahil ito sa kinakain niya."

"Nakakapagpabagabag naman para sa kabayo ko Kariz." Malungkot na sambit ni Yulo sabay bitaw sa wrist ko. "Kaya nga ako pumunta dito para alamin kung ano ang kalagayan niya."

"And I think hindi ko na muna siya ilalaban sa horse racing sa March. May plano pa naman akong ilaban siya—"

"Ng walang permiso galing sa akin." She interrupted. "Baka kung ano ang pinapakain mo sa kabayo ko kaya siya ganyan." At binigyan ako ng isang nagbabantang tingin. "Kapag may nangyaring masama sa kabayo ko hindi ko na maipapa-mana ito sa anak ko, Kariz."

Umiling iling ako. "Kung ano ang pagkain noon ni Teki, ganun din ang pagkain niya ngayon. Hindi ko pinapa-palit ang pagkain nila. Yung gamot umiinom din sila. Baka may nakain lang na hindi maganda si Teki mo kaya nagka-infection ang tyan niya." Paliwanag ko at nagkibit-balikat pa.

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon