Chapter 6

7K 226 13
                                        


Kariz's POV

Sabay kaming bumaba nang makarating na kami sa Novaliches para sa delivery ng buko na ibebenta sa palengke.

"Senyorita, Kariz." Tawag sakin ni mang Makisig na may hawak na clipboard para i-lista ang mga biniling buko ng clients namin dito.

"Asan na ang mga trabahador dito?" Hanap ko sa tatlong lalaki na pinadala ko kasama siya.

Napakamot siya sa ulo. "Nagpapa-hinga na po kaagad, senyorita, kaya ako nalang po yung magbubuhat ng mga—"

"Ay hindi pwede yan." I interrupted. "Hindi pwedeng ikaw lang ang magbubuhat ng buko. Kaya ko nga sila pinadala dito para tulungan ka."

"Sige ho, senyorita." Napayukong sambit nito at binigay sa akin ang clipboard tsaka umalis.

Humarap ako kay Green. "Ito." Binigay ko sa kanya yung clipboard. "Kunin mo lahat ng bilang na order ng mga tindero't tindera dito." Sabi ko.

"Ganun lang?"

I meet her eyes. "Gusto mo bang mag-buhat ng buko?" Masungit kong tanong.

"Hindi." Sagot niya kaagad at umiling. "Sungit."

I just smirked at her. Iginayad ko siya papunta sa isang tindera dahil sila ang naunang um-order ng buko. Binati ako nito pati si Green. Kilala na ako dito dahil pa-minsan minsan, pumupunta ako para alamin kung nade-deliver nga ba talaga yung mga buko.

Mukhang hindi alam ng mga trabahador ko na sumunod ako papunta dito. Naabutan ko ang dalawang trabahador ko na nakaupo at umiinom na ng buko sa platic.

"Anong ginagawa niyo dito?" Masungit na tanong ko habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanila.

"Senyorita." Maagap na tawag nila sakin sabay tapon nalang sa sahig ang mga buko.

Tumaas ang kilay ko. "Hindi niyo pupulutin yan?" Tukoy ko sa tinapon nila. Agad naman nila itong pinulot at tinapon sa basurahan sa tabi nila. "Ang lapit lapit na nga ng basurahan hindi niyo pa matapon-tapon sa tamang lugar." Sermon ko.

"Pasensya—"

"At may sinabi ba akong mag-pahinga na kayo kahit na alam kong hindi niyo pa ginagawa ang mga trabaho niyo?"

"W-wala po, senyorita."

I snapped my fingers. "Then ano pang hinihintay niyo? Go!" Inis na utos ko at tinuro ang pwesto ni mang Makisig. "Sa susunod na malalaman ko na tatamad-tamad kayo hindi na ako magda-dalawang isip at tatanggalin kayo sa trabaho." Banta ko bago lumapit sa tabi ni Green.

"Ang aga aga, Kariz ang init init ng ulo mo." Komento niya habang nakatingin sa clipboard na binigay ko sa kanya kanina.

"Ang aga aga din ang tatamad na ng mga trabahador ko."

"Sinesante mo na?"

I sighed. "Binigyan ko sila ng pangalawang pagkaka-taon. At kapag naulit, tanggal na sa hacienda ko. Ayaw na ayaw ko pa naman ng tatamad tamad at walang ginagawa." Sagot ko.

Hindi ko gusto ang mga taong walang ganang mag-trabaho lalong lalo na kapag nasa harapan ko't pinapanood ko. Binabayaran ko sila ng patas tapos mapapanood ko silang ta-tamad tamad? Hindi pwede yon.

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon