Green's POVTick
Tock
Tick
TockWaiting for the midnight to kickoff. Patiently waiting for the time, to sit up, get inside of Kariz's room, and easily grab her phone, and get back inside in this room.
Easy peasy right?
And... there it goes. Tumunog na ang alarm clock ko ng midnight. Malamang tulog na yung si Kariz kaya tumayo na ako't lumabas sa kuwarto. Nagsuot ako ng medyas para mas tahimik akong makapag-lakad papunta sa kuwarto niya.
Pinihit ko ng kaunti ang door knob niya. It isn't locked. Tinodo ko na ang pagbukas ng pintuan at pumasok ng maingat sa loob. I chuckled a bit nang makita ko itong natutulog ng mahimbing. Nakadapa pa nga eh.
Naglakad ako papalapit sa pwesto niya. "Tsk. Tsk. Itong babaeng 'to ang hilig itabi sa kanya yung cellphone niya." Napapa-iling na bulong ko. Mukhang nakatulog kasi siya habang nakahawak sa cellphone niya.
Mukhang mahirap kunin sa kanya yung phone niya.
Hinawakan ko ang palad niyang nakahawak sa phone at dahan dahan itong inalis. Taimtim akong nagdadasal na sana hindi niya maramdaman ang ginagawa ko sa kanya.
"Hmm." I frozed as she moaned a bit. "Stop raping me." Bulong niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa bulong niya. Pati ba naman sa panaginip may pagka-manyak siya? Hindi ba muna niya naisip na ninanakawan na pala siya?
Hay. Ibang klase.
"Gotcha." Bulong ko nang makuha ko na yung cellphone niya. Tumayo ako ng maayos at binuksan ang screen ng phone. Tumaas ang kilay ko dahil bumungad nanaman sa mata ko ang picture ni Curlin. Ang paboritong kabayo ni Kariz.
Naiinis ako sa mga alagang hayop ni Kariz lalong lalo na 'tong si Curlin. Masyadong pilyo! Kung hindi lang siya paboritong kabayo ni Kariz malamang uulamin ko siya at gagawing tapa.
Akmang aalis na ako para pumunta sa kuwarto ko nang may isang kamay na pumigil sa akin at pinaupo ako sa kama niya.
Shit. Mura ko sa isipan ko dahil nahuli niya ako.
"Obregon." Medyo garalgal ang boses niya ngunit puno ito ng takot. Takot na baka i-patulog ako nito sa kuwadra ng mga kabayo.
Nakaisip ako kaagad ng magandang ideya kaya ang ginawa ko, hinaplos ko ang ulo niya. "Matulog ka. Matulog ka." I singsong, hoping na sana gumana.
"Anong... Anong ginagawa mo dito? Sa kuwarto ko?" Hindi ako sumagot. "Green Obregon." Hindi nalang ulit ako nagsalita't baka magising siya ng todo.
Pinagpatuloy ko nalang ang paghaplos sa buhok niya hanggang sa narinig ko na itong humihilik.
Nakahinga ako ng maluwag. "Muntik na." Bulong ko tsaka kinuha ang kanang thumb ni Kariz para ma-open ang cellphone niyang may password.
I'm tiptoeing as I get outside of her room. Maingat kong isinarado ang pintuan at mabilis ang mga lakad na pumasok sa kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama pagkatapos tsaka pinindot kaagad yung mga laman ng photos niya.
Puro pictures ni Kariz kasama ang mga alaga niyang hayop lalong lalo na yung mga kabayo. Iilan lamang ang mga napansin kong litratro niya mula sa parrots at alaga niyang manok.
Nakalimutan ko yatang sabihin sainyo na hindi lang equestrian itong babaeng ito, kundi sabongera pa. Ang dami daming mga amahin sa labas ng hacienda niya na kanya kanyang tilaok tuwing umaga. Buti nalang kaunti lamang ang naririnig kong tilaok nila kundi pati yun gagawin kong fried chicken.

BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romantizm"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...