Green's POV
"Alright, Curlin. It's showtime."
Kausap ko sa kabayo ko tsaka ito sinimulang patakbuhin ng mabilis. Hahabulin na namin ang laps ni Qen dahil alam kong napagod na ang kabayo nito sa kakatakbo at yun ang inatake kong disadvantage ng kabayo niya.
Pagurin muna ang kalaban bago sumugod.
Nakakatatlong laps palang kami ni Curlin samantalang sin Qen ay may limang laps na. Kailangan na namin silang habulin dahil kung hindi matatalo si Kariz sa pustahan. Ayaw kong ma disappoint ang mga taong pumusta para sa kabayo niya kaya gagawin naming dalawa ang best namin para manalo.
4, 5, 6. Isa na ang lamang namin ni Qen at kitang kita ko sa likod ko ang pag habol niya sa amin. Rinig na rinig ko mula dito ang hiyawan lahat ng mga tao dahil nagdikit na ang laban naming dalawa. We cannot let this hambog girl win.
7. We're tie. Sabay kaming dalawang tumapak sa line at minsan nauuna ang kabayo ko minsan ang kanya naman. Halos magka dikit kaming dalawa.
"I cannot let you win!" Sigaw nito at hinahampas hampas na sa kung saan ang kabayo niya at tumakbo ito ng napakabilis. Sa gitna ng laban namin, hindi namin inaasahan na biglang tumigil ang kabayo nito kung saan malapit na sila sa finish line.
"Curlin let's go!" Sigaw ko tsaka pinatakbo ng mabilis ang kabayo ko.
Kariz's POV
Kasalukuyang humahabol na ang kabayo ko at tie na silang dalawa sa 7 laps. Kaunti nalang. Dikit ang kanilang mga kabayo pero nauna bigla ang kabayo ni Qen. Nanahimik ang mga kasama ko dahil baka manalo nanaman ang kay Qen.
"We're dead meat. Oh my gosh I should tweet about this." Malungkot na saad ni Summer habang nakatingin sa camera at nag pose. "Hastag sad, lose, nomoney." Sambit nito habang nagta type sa phone niya.
Biglang nagsigawan ang mga tao dito sa side ko na pumusta kay Curlin kaya tumingin ako sa monitor. Napangiti ako ng malaki dahil huminto ang kabayo ni Qen at ang kabayo ko naman ay humahabol na. Bumalik ang tingin ko sa monitor at kita kong pinapalo na ni Qen sa kung saan saan ang kabayo niya ngunit hindi parin gumalaw ang kabayo nito tanging naka stay lang sa kanyang pwesto.
"Oh my god! Oh my god! Oh my god!" Sigaw ni Summer at sinimulang videohan sina Green. "Let's go sister!"
"Pinainom mo ba ng gamot ang kapatid mo?" Tanong ko kay Winter na nakangiti ngunit di kita ang ngipin habang nakatingin sa monitor.
"Tanong mo." Sabi nito ng hindi tumitingin sa direksyon ko.
Bumalik nalang ang atensyon ko sa monitor nang nagsi hiyawan at sigawan kaming lahat nang manalo ang kabayo ko. Lahat kaming pumusta sa kabayo ko ay nagtata talon at nagsisi sigaw. Nagyakapan kaming lahat dahil sa wakas natalo ko narin yang Qen na yan!
Bumaba kaming lahat para salubungin si Green na hawak ang trophy at certificate na nagpapatunay na panalo siya.
Lumapit ako dito ng may malaking ngiti sa labi. Yinakap ko siya ng mahigpit. "I knew you can do it." Sabi ko at kumalas ng yakap sa kanya. "I love you."
Nabigla ito nung una ngunit napangiti din sa bandang huli. "I love you too." Tsaka ako hinalikan ng madiin kaya naghiyawan nanaman ang mga kaibigan ko.
"Hey." Tumingin kaming dalawa kay Qen. Nakangiti ito tsaka nilahad ang kamay niya sa harapan ni Green. "You did great." She said.
BINABASA MO ANG
The Equestrian Girl
Romance"I am nothing without my horses so please don't kill 'em!" - Kariz Pinto. Kariz Pinto is a horse lover. She'll do everything for her horses and she really loves them as her horses love her back. Pero paano nalang kung ang magugustuhan niyang babae...