Mas close ako sa lalake

389 7 2
                                    

Hindi ko alam pero seryoso ako, mas close ako sa mga lalake kesa sa mga babae. Hindi naman sa flirt ako pagdating dyan, mas feel ko lang talagang kasama yung mga lalake. Alam niyo yun? Yung kapag kasama ko mga lalake, ang saya-saya ng buhay. Oo napagtitripan ako, napagdidiskitahan ako, naiisipan nila kong inisin… pero yung lahat nang yun ay balewala lang. Kasi ang mga lalake kahit gaano kakulit yan, ka-g*g*, ka-sama (masama) minsan, o maraming trip trip na kung ano-ano na hindi naiintidihan ng karamihan—-lalo na ng mga babae—-mayroon naman silang utak na pwedeng gamitin sa mas maraming kabutihan at puso na pwedeng magmahal.

Hindi ko rin naman sinasabi na hindi masayang kasama ang mga babae—-oo nag-eenjoy rin akong kasama sila—-pero MAS SOBRANG nag-eenjoy lang ako sa presence ng mga boys. Minsan kasi, hindi ko kayang sakyan yung trip ng mga babae, PERO mas kaya kong sakyan yung trip ng mga lalake. Alam niyo yun? Basta. Ang kulay-kulay ng buhay ko pag kasama ko mga lalake, tapos yung panga ko laging sumasakit kasi sa kakatawa! Eh ang mga lalake na yan—-lalo na pag nasama ka sa tropa nila—-wala ka nang kawala. Lalo na kung mga jolly-ng tao yan? Naku, abangan mo nalang na mautot ka. :))) At tsaka yung parents ko rin, naiitindihan naman nila ko kung bakit mas close ako sa boys. Bakit? Eh pa’no ba naman, mga kapatid ko puro lalake eh! Tsaka malambing rin kasi sakin yung dalawa kong kuya, sweet, nagkakasundo sa lahat—-kaya wala akong takot o hinanakit sa mga lalake. Lumaki akong may kasamang TATLONG lalake sa buhay ko eh… (Kuya Paul, Diko Joash, and Papa), plus pa pala si LORD na makakasama ko rin hanggang sa mamatay ako.. Kaya NO CHOICE! Hihi :D

Tsaka wala naman akong pake kung anong itsura niya, anong ugali niya, anong pangalan niya, anong kulay ng balat niya, anong height niya, o kahit na ano tungkol sa lalake. Kasi ang alam ko.. hindi naman pare-pareho ang mga lalake na KADALASANG SINASABI NG MGA BABAE KAPAG NASASAKTAN SILA NITO. Ang mga lalake, tao lang din sila; hindi rin sila perpekto kaya wag tayo mag-expect ng masyado sakanila dahil sila rin ay may nararamdaman—-sumasaya, lumiligaya, natatawa, natutuwa, nalulungkot, at nasasaktan—-kaya respetuhin din natin sila. Kaya nga ayan eh, mas gusto ko talagang kasama mga lalake. Kasi sakanila.. walang dramaswalang arte-artewalang diri-diriwalang etc etc. At isa pa, KAYA KASI NILA KONG PAKINGGAN SA MGA DRAMA NG BUHAY KO EH!—lalo na kung close ko siya. Yung feeling na mas magaling pa silang mag-advice kesa sayo!? :))))) Ah basta ang mahalaga, kampante ako sa mga lalake—-but still I know my limitations. ;)

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon