REGRETS ~

126 2 0
                                    

Nagkaroon ako ng bf for 1 year tapos nagbreak kami, 6mos bago ako makamove on sa kanya. Malapit na sanang mag 1year na single ako pero may dumating. Babae siya, dko inexpect na sasagutin ko siya. Dko alam na kaya ko pala pumatol sa ganun. Una maganda talaga siya, second matalino, kilala ko naman siya before pero di kami close. Iba lang talaga yung naramdaman ko nung kinausap niya ako. Wala pang 2weeks kaming nagkakausap na-fall na agad ako sa kanya.

We’ve been together for 500 days. Ang dami naming pinagdaanan. Umpisa ng relationship namin sobrang masaya kami. Hindi ako nahihiya na ipakilala siya sa mga kaibigan ko. Alam ko kumplikado ang ganung relationship pero wala, I just enjoy what we are doing. Lahat ng sweetness binigay namin sa isa’t isa. Nagumpisa kami sa nagiinom kami ng sabay, jamming sa yosi hanggang sa binago namin ang isa’t isa. Nung mga unang monthsary namin, palagi ko siyang nireregaluhan. Sobrang daming letters na ang naibigay ko sa kanya. At binibigyan ko din siya ng mga bagay na gusto niya pati mga pagkain. Gustong gusto ko siya pasayahin noon. Mahal na mahal ko siya nung time na yun. Schoolmates kami so after school kakain muna kami bago sabay uuwi. Ganun lang kami palagi, masaya :) Sa tagal ng relationship namin, dumating na ang mga problems. Nagsimula sa maliliit na bagay na naaayos pa sa madramang usapan. Pero bakit ganun habang tumatagal hindi na namin maayos? Nung nag 1 year kami, kahit ang laki ng pinagaawayan namin hindi kami nagbbreak. Pero after nun iba na yung nangyari :( nung nagaway kami minsan, binalik niya lahat ng binigay ko sa kanya. At yun ang isa sa pinakamasakit na naramdaman ko na never kong malilimutan ;(

March. Sobrang stressed kami sa school kase end of school year na yun. Graduating siya ako naman ang daming requirements na kailangang ipass. Halos hindi na kami nagkakausap. Pag kita ko sa fb at twitter niya, puro parinig siya. Na dati naman sinasabi niya sa akin.

"Ayoko na"

“Say something Im giving up on you”

“Sa pag-ihi na lang ba? Hahaha”

Nakiramdam ako, masama pa loob ko noon kaya ayoko muna siyang kausapin. Alam ko mas matured siya sa aming dalawa pero yun lang ang ginawa niya. Dahil sa mga ganung bagay nagiging immature ako, di ko siya kinakausap ng mga ilang araw. Tinitiis ko. Siguro pride na din. Siguro nagaantayan na lang kami kung sino ang unang gagawa ng move. Pero yung iniiwasan kong pagusapan, nangyari na. May tampo ako pero siya, mas tampo pala siya. Hindi namin alam nagkakasakitan na kami. Nasabihan ko siya ng masasakit na salita. Sobra ang konsesnya ko nun. Kapag galit ako at nagaaway kami, lagi kong nasasabi na “Ayoko na”. At ayun nga nasabi ko na nga na ayaw ko na. Tiniis ko, pero kinukulit pa din niya ako. After nun nakita ko nagiinom siya tapos nakikipagusap siya sa iba. Na alam naman niya na ayaw ko. Selosa kase ako e :( Pero binabalewala ko na lang kase nga pagod na ako :/

Hanggang sa hindi ko na siya pinapansin. Dahil nga napapagod na ako sa paulit ulit naming away, namanhid na ako. Tipong wala nang maramdaman at inakala kong nafall out of love ako sa kanya. 💔

On and off kami ng 3 months. Pero dun sa 3 months na yun… wala nang spark. Pinilit naming ibalik. Efforts. Nag eeffort ulit siya para pasayahin ako. Sinurprise niya ako sa schl ng ilang beses, gumagastos pa talaga siya at sobrang na-appreciate ko, naisip ko yung tagal ng relasyon namin. Yung dami ng pinagsamahan namin. At yung masasayang moments namin. Nakaramdam ako ng kilig nun. Pero dahil sobrang in denial ako, hindi ko nilawakan yung isip ko. For the last ime ako na ang nagsabi na maging kami ulit, subukan kung kayang ibalik yung masayang kami. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko hindi na kami masaya :( Tapos ayun nagusap kami. Yung mahinahon na usupan. Umiiyak siya pero hindi niya alam umiiyak din ako :’( Kase nalulungkot ako sa nangyari sa amin. After that tinapos na namin. Sobrang nakakapanghinayang. Ang dami naming pinagdaanan, ang dami naming masasayang moments.

Naging mahina ako. Dun sa 3 months na yun, siguro puro negatives ang mga iniisip ko kaya inakala kong hindi na ako masaya. Lahat lang ng sakit ang inisip ko hindi yung umpisa ng relasyon namin na masaya -,- Sinabi ko na hindi niya ako deserve. Dahil hindi ko na siya kayang pasayahin. Lahat na ng sakit naiparamdam ko sa kanya. At nahihiya na ako sa kanya. Pero i still care. Mahalaga pa din siya pero bakit ganun? Ang hirap nang ibalik yung masayang kami dati :(

After 3-4 days, tinignan ko yung twitter niya, nakita ko may dinedate na siya. Like seriously agad agad? Syempre anong iisipin ko rebound lang yung girl? Dko pinapansin. Dahil alam ko, kapag nag stalk pa ako, masasaktan ako. Fb naman ang tinignan ko, pero mas malala ang nakita ko, binlock ko na siya. Dahil ayoko makakita ng kahit ano sa kanya. Nasasaktan ako. Hindi kayang tignan na may iba na siya :( Kailangan bang dumating sa point na ganun para lang malaman at maramdaman ko na MAHAL NA MAHAL ko siya?

Naisipan ko siyang itext, sinabi niya na dinedate na daw niya, masaya na daw siya. Alam ko naman na hindi. Na sinasabi niya lang yun kase nakita niya sa iba yung hindi niya nakita sa akin. Yung hindi niya maramdaman sa akin. Kung kailan huli na tsaka ako nagkakaganito. Sabi nila, malalaman mo lang na mahal na mahal mo ang isang tao kapag nasa piling na siya ng iba. Totoo pala yun. Masakit pala yun. Hindi ko man lang siya pinahalagahan ako tuloy ang nagdudusa ngayon ;( Hindi ko alam. Siguro karma na lang. Sinaktan ko siya dati, ngayon naman bumabalik sa akin.

Kung may pagkakataon lang na makausap ko siya sasabihin ko “Oh kwits na tayo ha? Inuulit ko sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sayo. Pero isa lang ang hinding hindi ko gagawin, yun ang palitan ka ng dahil lang sa gusto kitang malimutan. Pipilitin kong titiisin lahat ng sakit dahil ako naman ang may kasalan kung bakit tayo nagkaganito. Hinding hindi kita malilimutan at sobrang laki ng halaga mo sa akin. Mahal pa din kita, mahal na mahal.”

-BBYPANGET

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon