KADRAMAHAN 6~

91 1 0
                                    

FROM: CMONITSDECK

Untold story

It seems like parang ang daling kalimutan ng 5months no. Siguro para iba. Siguro para sakanya. Hindi na nya binigyan pa ulit ng chance yung samen. Siguro ayaw na nya. Or baka ako lang yon na walang kwenta. Pero bakit ako, lagi ko pading narereminisce? Ganto talaga ako. 

Naalala ko pa nung mga panahong friends palang kame. Ang tagal na non. 4rt year highschool palang ako non e, tas siya 3rd year. Mahilig kasi siya maglike ng mga post ko. XD So ayon, minention ko siya sa status ko non. Salamat sa like chuchu haha so ayon na nga nagstart na kaming magusap non. Tas nung first time ko siya makita, para saken it was like wala lang hahaha hindi pa kasi siya maganda non!!! Hahahahahaha payat payat pa tas laki noo. XD Siguro hindi ko pa nakikita sakanya non yung pagiging attractive kahit araw araw ko siya nakikita sa YECS or sa students canteen namen. XD Tas may kwan pa ako non, kasi kapag ako may mahal tingin ko dun sa taong yon napakaganda non tas sobrang attracted na attracted ako don hahaha totoo yon. Ayon naguusap paden kame non, close friends palang kame non. Tas dumaan ng dumaan yung panahon, nagkaroon na siya ng bf non tas graduate naden ako non e kaya wala na ako msyadong balita sakanya. Close nga kame non dati e haha kaya nagpakuha siya saken ng Application Form sa TUP kasi balak niyang magElectrical Engineering don. Edi saken, okay lang naman. So hinatid ko pa sa MNHS(dati kong school) yung application form para personal kong ibigay sakanya haha eh sayang hindi ko na siya nahintay non kahit nagbasketball pa ako non sa school. So much for this, punta natayo sa first part ng aming love story. Waht? Haha

It all started nung nagpost siya ng Milktea and Fries, so nagcomment ako don. Sabe ko “Gusto mo ba nyan? Wait.” ganyan pa sabe ko non. Tas sagot nya naman “Ha ha ha pag wala kang naibiga sakin kutos ka deck” ayan (hahaha sorry copy paste lang kasi hindi na ako nablock sa kanya nakikita ko na mga picture nya hahahaha.) So ayon, nagusap kame ng nagusap non. Hanggang sa nagpm na ako haha tas yon lagi na every night na magkachat kame, hindi kame nauubusan ng topic nung mga panahong yon. XD Pinlano naden namen yung pagpunta namen sa Teaberry’s. Hindi pa kame nakakapagTeaberry’s non inaya ko na agad sya na manuod ng cine, kasi gusto ko panuodin yung I, Frankenstein non (hindi love story yung pinlano nameng panoodin kasi friends palang kame non hahaha) So ayon nagTeaberry’s na nga kame dumating siya kasama yung dalawa nyang bestfriend na babae and they were like “yiee” hahahaha. Kakagaling lang kasi nila sa bahay ng kaklase nla kasi gumawa sila assignment. Oh dba ang sipag Special science kasi siya kaya ganern. Pagkatapos namen magTeaberry’s nagpasama siya pumunta sa Allubeauty para magpachuchukemerlu sa tenga haha hindi ko alam tawag don eh, so hinitay ko siya don, tas after non kumain pa kame ng takoyaki sa Ozen tas hinatid ko pa siya sa sakayan nila so that was our first date. Haha. Tas after non, lagi na kame magkausap, magkatext, magkachat. Tas madalas din kameng nagkakasma, kasi humahanap ako ng time para makasama ko siya non. Tas feeling ko na nafafall na ako sakanya. Kasi mabait, maganda, tas matalino pa. Hays. Haha. 

Nung magcicine nakame, sa SM Manila, kasma namen yung mga friends na papunta don. Kasi manunuod din cine yung mga friends nya. Syempre hindi sila sumama samen kasi distraction yon hahaha. Joke lang. So ayon pinanuod namen yung I, Frankestein. Ang lupit non haha. Tas sa bandang huli may malupit akong sinabe sakanya na miski siya hindi nya makakalimutan yon. Kahit nagtapat ako sakanya non. Ang sabe ko sakyan “Mahal na ata kita” hahahaha dapat talaga walang word na “ata” yon kasi mahal ko na sya non pero wala lumabas lang na ganon e. XD Sobrang kabago ako non! Grabe ang lamig pa saloob ng cinehan. Hahaha pero atleast nasabe ko na. Tas pagkasabi ko non, tumawa lang siya. Kasi tinanong ko kung pwede ko ba siya ligawan sa bahay nila mismo! Tas sabe nya bawal pa daw siya magbf tas nakalimutan ko pa yung sinabe nya non e, basta yon. XD Gusto ko talaga siyang ligawan mismo sa bahay nila para formal ang datingan. Tas nung pauwi na kame haha kinilig lang ako kasi natulog siya sa balikat ko. Haha ako naman to si ambabaw na kaligayahan. Tas hinatid ko ulit siya sa sakayan nila. Haha

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon