AKALA LANG PALA

272 5 0
                                    

Mali ako, Mali ako sa mga pag-aakalang ang mga taong mahalaga sakin, papahalagahan din ako. Mali ako na umasa na isang araw, balang araw, may magpapahalaga sakin katulad ng pagpapahalaga ko sakanila. Mali ako sa puntong hinayaan ko lang lahat ng ‘to. Isang araw, isang malungkot na araw ang dumaan sa buhay ko. Lahat pa naman sana ng mga problema ko unti-unti ng nasusulosyunan. Pero katulad nga ng sinabi ko, AKALA KO LANG YUN. Sa pag-aakalang may halaga ako, walang masama. Pero, sa pag-aakalang pinahahalagahan nya ko, dun ang pinakamalaking pagkakamali ko. Sabi nga nila, kapag masaya ka sa career mo, hindi ka magiging masaya sa lovelife mo and vice versa. Yes, agree! Dumating ako sa punto na akala ko, eto na. Akala ko, sya na. Akala ko, konti nalang kami na. Pero nagkamali ako. Sa pangalawang pagkakataon, sa parehong tao, nasasaktan ako. Kung susumahin lahat ng maling akala ko naman, sa 2 tao? 4 times na. Pero, ang mahalaga sakin yung ngayon. Akala ko. Akala ko. Akala ko. Mukhang totoo nga na maraming namamatay sa maling akala. Eto, unti-unting namamatay ang puso ko. Unti-unting naging malabo lahat ng binuo ko sa utak ko na masasayang araw kasama sya. Ibang klase ako magpahalaga, ibang klase din naman sya makitungo sakin, kaya akala ko, mahalaga din ako sakanya, pero akala ko nga lang pala talaga yun.

Sa isang iglap, sa isang hindi inaasahang pangyayari, sa isang problema lang, agad at unti-unti nakong nawawala sakanya ng hindi nya namamalayan. Siguro kasi alam nya na nandito lang ako, pwede nya kong balikan kung san nya ko iniwan, kung san nya ko pinabayaan. Gusto kong sumuko, magalit at mainis, kasi alam ko naman na sinasaktan nako. Katangahan nalang talaga ang umiiral sakin, gusto kong isigaw sakanya na hindi naman nya dapat ako tinetake for granted. Pero wala. Hindi ko magawa. Lahat tinitiis ko, lahat kinakaya ko, kasi alam ko sa sarili ko na mahal ko sya kahit mali na :( mali ‘to, maling pagmamahal? Walang magandang maidudulot ‘to sa puso ko. Alam ko yun, hindi ko lang alam paano maitatama. Ngayon, eto ako, sa sobrang pagmamahal, napapabayaan na at nasasaktan. Hindi pa man kami, nasasaktan nako ng ganito. Siguro, dahil nadin sa umasa ako. Mali ko nanaman. Kaya naiisip ko, anong karapatan kong umangal sa mga nararamdaman kong ‘to, kung sa una palang ako talaga yung mali? Kasi ako yung umaasa na balang araw, ibang paghahalaga mula sa taong mahalaga sakin ang mararamdaman ko.

Dumating ang araw na ‘to, araw na nalaman ko na okay lang sakanya na mawala ako. Okay lang sakanya na mapabayaan nya ko. Unfair, huh? No. Yes. No. Yes. Ang gulo! Ang gulo nadin ng utak ko. Masakit sa part ko na kaya nya lahat yun, tapos ako ‘to, nagpapanggap na kaya ko din. Ayokong maiwanan sa ere, ayoko ng masaktan sa mga maling tao. Ayoko na maulit pa ang dati. Ayoko ng dumating sa point na wala nakong nararamdaman kundi sakit nalang. Ayoko nading umasa at maniwala ngayon sa salitang MAHAL KITA. Sa panahon ngayon, napakadali nalang bitawan ng mga salitang yan, kahit na hindi naman kayang mapanindigan. Masakit sa mga taong naniniwala talaga sa salitang pagmamahal, katulad ko. Naniwala ako. Umasa ako. Tinanggap ko. But at the end of the day? Nasaktan lang ako.

Sa mundo nga naman, may mga taong seryoso sa’yo, may mga tao din namang nandyan lang para magbigay aliw sa’yo o sa sarili nila. Hindi natin alam, hindi natin namamalayan na nahuhulog na tayo sa maling tao, sa maling oras siguro, maling pagkakataon. Sa ngayon, eto ako, pupunta nanaman sa prosesong hindi ko naman dapat pinagdaraanan kasi, wala namang kami. Pero, dahil nabiktima ako ng salitang Mahal kita, kailangan ko umabot sa step na KAKALIMUTAN NA KITA. Kailangan ko tanggapin. Kailangan ko lumimot ng sakit. Alam ko, balang araw makakatagpo padin ako ng tao na makikita yung importansya ko, makikita yung halaga ko at yung taong matatakot na mawala ako. Walang pero pero, walang bakit bakit, darating sya, ang taong magmamahal sakin katulad ng pagmamahal ko.

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon