KADRAMAHAN 1 ~

104 1 0
                                    

FROM: KAPEPRINCE

Dati pinapangarap lang kita, ngayon kasama na kita. Yung dati akala ko hanggang pangarap lang kita, nagkakamali lang pala ako, akala ko lang pala yun. Hindi ko maipaliwanag yung eksaktong nararamdaman ko, basta ang alam ko lang masaya ko.

Yung ang sarap sa pakiramdam yung alam mong nasa iyo na yung taong hinahangad mo, yung taong gustong-gusto mo. Yung pakiramdam na, sa una hindi ka makapaniwala, parang nanaginip ka lang, pero habang tumatagal alam mong heto na yun, siya na yun. Yung tipong nandyan na siya sa harap mo, siya na yung kayakap mo, kakwentuhan mo at siya na yung laging nandyan sa tabi mo. Wala na kong dapat hilingin pa kasi narito ka na sa piling ko yung taong pinapangarap ko

- bbypanget

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon