Bestfriend By. Tumblr

342 6 0
                                    

Bestfriends.

KAMILLE E. ABRACOSA

Hindi ko alam kung we are bestfriends on title or what.. Simula elementary, bestfriends na kami. Grade 5, I was a transfer student back then, tapos we became best of friends.. She was my classmate during that year but never until we step on college. Super saya ko because at last! After a long time. Great because even though we are not together during those years, we keep on staying in touch..

Never kami nag away niyan, yung tampuhan naman.. Mas pinipili ko na maging okay kami kesa palakihin yung mga ganun.. Super saya ko kasi meron akong “Siya.” Pero bakit ganon? Simpleng bagay lang. Simpleng misunderstanding lang.. Ano nangyari sa amin?

Siguro madami akong mga bagay na nagawang hindi maganda na hindi ko alam na hindi pala maganda.. Sana sinabi niya, kasi dba, best friends kami. 

Saturday nun, we have our 7am class at since lagi kasi kami sabay na pumapasok.. Hinihintay ko siya. Nagkataon na hindi siya nagtetext so naghihintay pa din ako kasi imposible namang hindi siya magtext but I received nothing. Hinintay ko siya, nagpaload ako at tinawagan ko pa. Pero no answer. Hanggang sa 30 mins na bago siya nagtext na nasa school na daw siya. Naiinis talaga ako. Pero syempre gusto ko pa din malaman yung totoo. 1 hour na bago ako nakarating sa school. Hinihintay ko na kausapin niya ako.. Pero wala.

Yung mga kaibigan ko sabi, magbati na kami. Pero wala eh, hinihintay ko lang naman na siya yung mag approach kasi nalaman ko na naman yung side niya. Na nung gabi daw pala, nagtetext siya kasi magpapatulong ng assignment. Fuck the network kasi wala talaga akong na receive. Oo, tinext niya yung kapatid ko. Pero, wala kasing nabanggit sa akin yung kapatid ko eh :( 

My point is, palagi na lang ba ako? Nakakasawa. Yung kada bagay na hindi namin mapagkakasunduan. Mga bagay na simpleng ganyan lang, na kahit minsan hindi naman talaga ako yung mali. Ako yung lumalapit. Ako lagi. Kasi, siya tama lagi eh. Never naman ako naging tama sa kanya. Kumbaga nasa level 7 siya ako 3 lang. Yun yung tingin niya sa akin.

I talked to my mom that night and sabi niya, kausapin ko na lang daw. Ako na lang daw yung magparaya. Oo nga naman, best friend ko siya eh. Simpleng ganito lang naman bakit ko pa papalakihin pwede namang mag usap kami..I texted her and told I’m sorry for not talking to her the whole day. Sinabi ko din yung side ko at na alam ko yung side niya. Kaya lang sinumbatan niya ako eh.. Naiinis siya kasi daw hindi ko siya pinansin.. Mas pinalala pa niya kasi sinabi pa niya sa akin na sabi daw ng tatay niya na naiinis sa akin nung gabi dahil.. NI ISA DAW SA AMIN WALANG MAASAHAN, MINSAN NA LANG HUMINGI NG TULONG WALA PA. Yan yung pinaka masakit na narinig ko sa kanya. Wala na akong dapat na nararamdaman ngayon, oo di na ako galit pero masakit.. Kasi, ano ba? Wala ba akong naitulong na maganda? Inexplain ko yung side ko na wala lang talaga ako na receive kasi yun naman yung totoo. At sinabi ko na hinihintay ko lang na siya yung kumausap sa akin. Pero sinabihan niya ako na ang hirap sa akin, inuna ko yung Pride ko. To think na, ako na nga yung nag approach sa kanya ngayon.. Na paano kung hindi ako nagtext? Dba hindi naman niya ako ittext? 

Sinumbat niya sa akin lahat ng tulong na ginawa niya. Feeling ko wala akong nagawang maganda. Na lahat ng mga ginagawa niya may kapalit dapat. Nakalista kasi eh. Si monina, naiintindihan naman niya ako eh. Siya yung hindi ako jinudge agad. Siguro kasi alam niya yung totoong nangyari. Pero bakit si Maan? Sabi niya sa akin„ “Kahit saang banda Jade, ikaw yung mali Kasi kung makikita mo lang kung gaano siya kalungkot..” Wala pa akong sinasabi. Ang sabi ko lang, maan kinausap ko na si Kamille. Tapos ayan. Yan sagot niya. Ang sakit sakit. Hindi man lang ba niya naisip na baka malungkot din ako pero mas pinili ko ipakitang masaya ako kasi ayoko na kaawaan ako? Isa sa reason kung bakit lumayo na lang ako.. Alam ko namang si Kamille ang pipiliin nila eh. Si kamille kasi mataas, mayaman, tinitingala, almost perfect. Mabait lahat na, maganda. Eh ako? Dba? Si Kamille, friendly. 

Okay na kami ni Kamille ngayon, hinayaan ko na lang.. Pinatawad ko na din. Pero hindi ko lang makalimutan yung mga sinabi niya. Na hanggang ngayon naiisip ko pa din. Si Maan yung lagi niya nakakasama. masaya ako kasi atleast may nakakasama siya kasi hindi ko pa ganun ka kaya. Parang nagkaroon na kasi ng lamat? napaka hirap.

Hinihintay ko lang naman na ma realize niya eh. Yung mga nasabi niya. Pero feeling ko hindi naman ako importante sa kanya kaya eto, hinahayaan niya ako na mawala na lang sa kanya. Baka nga kasi wala naman talaga akong naitulong sa kanya kahit isang beses. Ako na laging nandiyan para sa kanya. Isang beses lang naman ako pumalya pero hinusgahan na niya ako. Kinalimutan niya yung dati. Yung kung gaano kami ka okay nun.

Nasasaktan ako. Kasi kahit ayoko talagang mapalayo sa kanya. Siya mismo nagtutulak na lumayo. Oo, nagseselos talaga ako sa kanila ni Maan. Feeling ko kasi gusto niya si kamille maging bestfriend. Lalo na kapag pa joke niya lang sinasabi pero may part na, alam kong gusto niya. Hindi ko naman pipigilan si Kamille kung gusto niya eh. Mabait naman kasi talaga si Maan. 

Ang gusto ko lang, sana happy sila. :)

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon