From: AG

107 2 0
                                    

Hi IJSC,

Nung 1st year HS lang tayo nagkakilala. Nung June 2011 lang. Naging close agad tayo. Madaming similarities. Ang saya mo kasama, para na kitang bestfriend. Lagi mo ko inaasar, lagi mo ko pinapatawa, lagi mo ko pinapangiti kapag malungkot ako. Sobrang naging comfortable ako sayo. Minsan nga akala ng iba matagal na tayong magkakilala. Natatawa na lang ako, ganun na ba talaga tayo ka-close? 2nd year na tayo. Hindi na tayo magkaklase. May mga freshmen (Grade7). Nung 2nd year, bigla na lang kita hindi pinansin. Hindi ko alam, pero sinabi ng utak ko layuan na kita habang maaga pa. Alam ko masyado pang bata pero ano magagawa ko? I didn’t choose you, my heart did. Kaya hanggang kaya ko pang pigilan, pinipigilan ko. Lumipas ang ilang buwan. May nabalitaan ako. May gusto ka daw dun sa isang Grade 7. Okay lang naman, one year lang naman gap niyo. Eto ako, patay malisya. Hindi ko masyado dinibdib kasi bata pa naman ako. Hanggang sa natapos ang 2nd year, naging close na daw kayo. Nagiging close kayo, nagkakalayo tayo. Ang ironic diba? 3rd year, medyo matured na ko, tayo magisip. Isang beses nakita ko kayong magkasama. Wala naman. Sabay lang kayong naglalakad. Patay malisya na naman ako. Pero sa totoo lang, masakit. Ganito kasi ako eh, pag nagkagusto, pang-matagalan. Napadaan ako sa harap mo. Hindi mo ako pinansin. Ano nangyari? Wala na ba yung friendship natin? Dumating lang siya, nakalimutan mo na ako? Ang sakit kasi kung sino pa yung mas una mong nakilala, siya pa yung binalewala mo. Oo, inaamin ko ako yung unang umiwas pero bakit hindi mo man lang ako kinausap. Habang tumatagal mas madalas ko na kayo nakikitang magkasama. Ang hirap umiwas kasi magkalapit lang ang building natin at building niya. Eto ako, nagtiis sa sakit na nararamdaman ko. 4th year. Eto ngayon to, kayo na ba? Or MU lang? Akala ko okay na ko. Akala ko pag 4th year na ko wala na kong nararamdaman para sayo. Pero mali ako. Nung nakita ko kayo nung 1st day, ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit lumalim yung feelings ko sayo. Ayoko na. Sinubukan ko namang kalimutan ka pero kapag nakikita kita bumabalik. Ngayon hindi ko alam kung meron pa. Sana konti na lang. Sana bukas wala na. Gagraduate na tayo. Sana makalimutan na kita. Konti na lang. Sana mabalik yung friendship. Kahit yun lang masaya na ko.

- Bbypanget

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon