Ilan nga ba? Ilang break up, pagkabasted (sa boys), ilang pagka-taken for granted ang kaya mong tanggapin bago mo masabing ayoko na, di na kita mahal.
Minsan yun kasi yung nakakainis sa sarili natin e, mahal natin kaya ibibigay natin ang lahat. Bibigay mo oras mo, mundo mo, pati ultimo pagkain halabira kahit ano pang hingin nyan sayo. Pero para sa ano? Para ba yan sa ikabubuti ng lahat o para sa ikasasakit ng damdamin mo? Sabi nga sakin ng mga kaibigan ko, "Dapat umeeffort ka lang sa mga taong handang umeffort sayo. Magpakapraktikal kayo, hindi habangbuhay dapat nakahawak ka sa mga taong HINDI NAMAN NAKIKITA YUNG HALAGA MO".
Minsan hindi sapat na mahal mo lang, kelangan mahal mo rin sarili mo kasi wala namang ibang tao sa mundo gagawa nun para sayo kundi ikaw lang rin naman. Wala naman sya jan pag iniyakan mo sya at pag nahihirapan ka na. Naaappreciate ba nya talaga mga effort mo, o binabalewala lang nya?
Alam mo may ibubuga ka e, wag mo ipakita sa kanya mahina ka.

BINABASA MO ANG
Confession To You
RomanceNaglalaman ito ng mga qoutes, confession. Maari nyo akong imessage para sa mga confession nyo, mga pinuputok ng butchi nyo. And bibigyan ko kayo ng mga advice :) -Bbypanget