hay. ano bang meron sayo at hindi kita malimutan? ano bang ginawa mo sakin kaya nagkaganito ako? alam kong may boyfriend ka. pero sa sandaling panahon na nakasama kita sobrang napalapit ka sa puso ko. may natandaan na naman ako na sinabi mo sakin. tanda mo ung sabi mo na hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari, na andiyan ka palagi para sakin? na kahit kayo ulit ng boyfriend mo eh hindi mo ko magagawang kalimutan kahit alam mo na may feelings ako for you? diba sabi mo importante ako at gusto mo ako? bakit ngayon wala ka na? asan ka na? alam mo bang nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. mahal kita jas! mahal kita! hindi ko pinaglaruan ung nararamdaman mo. at hindi kita pinaglaruan. mali bang minahal kita? mali bang nagkagusto ako sayo? mali bang inibig kita? kailan kaya kita malilimutan? kailan ko kaya matatanggap na hinding hindi na kita ulit makakasama, na hinding hindi ko na mahahawakan ang mga kamay mo, na wala na ung mga kurot mo, yakap mo sakin? kailan ko ba matatanggap na tapos na ang lahat? kailan ko matatanggap na wala na? hirap na hirap akong magmove-on jas alam mo un? sa tuwing nakikita kita, bumabalik ang lahat. sa tuwing napupunta ako sa mga place na napuntahan natin naiisip kita. ung mga hilig mo, ung mga kinakain mo. palagi kong na-aalala. hay =/ natamaan ako sayo! sobra! hindi ko masabi to sa personal kasi alam ko naman na ayaw mo akong makausap at hindi mo ako nirereplyan sa mga txt ko. hay.paano, kailan? alam ko sarili ko lang makakatulong sakin pero paano kung ung mismong sarili ko hinahanap ka? tatahimik kaya ako pag nakausap kita? o mas lalo akong masasaktan pag nangyari un? :(

BINABASA MO ANG
Confession To You
RomanceNaglalaman ito ng mga qoutes, confession. Maari nyo akong imessage para sa mga confession nyo, mga pinuputok ng butchi nyo. And bibigyan ko kayo ng mga advice :) -Bbypanget