FROM: Ryabellexx
Wala namang TAYO, pero hindi ko maisawang 'di MAGSELOS.
Oo alam ko, kaibigan lang ako. Pero tuwing nakikita ko na may kausap kang iba, nagseselos ako. Ewan ko ba. Minsan, dinadaan ko nalang sa biro. Pero minsan natutulala ako, naiisip ko, “Bakit hindi nalang kaya ako?” Siguro kasi mas maganda siya, mas matalino siya, mas higit siya sa akin. Pero gusto ko lang sana malaman mo na andito ako, hindi kita sasaktan. Handa akong intindihin ka lagi. Pero alam kong kahit anong pagpapaganda ko, pagpapapansin ko sayo, wala din mangyayari. Bakit? Kasi hindi mo naman ako gusto at alam kong hindi ako yung mga tipo mong babae. Sorry kung nagseselos ako kahit alam kong wala akong karapatan. Alam ko naman hindi mo din ako titingnan gaya ng pagtingin ko sayo. :(
-bbypanget
BINABASA MO ANG
Confession To You
RomansNaglalaman ito ng mga qoutes, confession. Maari nyo akong imessage para sa mga confession nyo, mga pinuputok ng butchi nyo. And bibigyan ko kayo ng mga advice :) -Bbypanget