Kailan kaya dadating ‘yung panahon na magiging tunay na ‘yung lahat.
Hindi ko alam kung bakit halos lahat na lang pinepeke ko. Nagpapanggap ako sa harap ng lahat. Hindi ko magawang sabihin sa kahit kanino ‘yung totoo, kasi natatakot ako…
Natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanila, hindi nila ako maintindihan.. magagalit sila sa’kin at lalayuan ako.. o kaya naman mananatili nga sila sa tabi pero kinaaawaan naman nila ‘ko.
Gusto kong magpakatotoo, pero pinipigilan ako ng sarili ko.. Ang labo..
Bakit kasi nagsinungaling pa ako? Bakit kasi sinasabi kong masaya ako kahit na nasasaktan na ako ng sobra? Bakit pa kasi ako tumatawa at pilit na ngumingiti kahit gustung gusto ko na talagang umiyak? Bakit nga ba..
Bakit kaya kong magpasaya ng iba tao pero hindi ko magawang pasayahin ang sarili ko?
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Sobrang hirap.
BINABASA MO ANG
Confession To You
RomanceNaglalaman ito ng mga qoutes, confession. Maari nyo akong imessage para sa mga confession nyo, mga pinuputok ng butchi nyo. And bibigyan ko kayo ng mga advice :) -Bbypanget