Confession #4404:

116 3 0
                                    

 Nagsimula bilang follower lang. Ang una kong finollow yung gf mo tapos sa pagbaback read ko, napansin ko na ikaw pala yung partner niya, nacurious, nagcheck din ako ng blog mo at unang kita ko pa lang sayo sa pic may something na kakaiba na akong naramdaman. Nagbackread din ako sa blog mo hanggang sa nakarelate ako sa lahat ng hugot posts mo. Hanggang sa biglang naging magkaibigan na tayo. Kaibigan lang dito sa tumblr. Hanggang sa dumating yung araw na sobrang lapit na natin sa isat isa na naging parte ka na ng buhay ko. Lagi mo akong iniiyakan tuwing nagaaway kayo ng gf mo hanggang sa dumating yung araw na naghiwalay kayo. Hindi ako umalis sa tabi mo, ako yung karamay mo. Ako yung sumalo ng lahat ng sakit na nararamdaman mo, yung nagpumilit na ibalik ang ngiti sa mga labi mo.

Alam ko naman na wala tayong pag asa kasi iba ang tingin mo sa akin. At kahit kailan hindi ko inamin sayo na mahal kita. Nakuntento ako na magmahal ng magisa kasi ito naman talaga yung dapat kong gawin. Pero hindi ko alam ano ang nangyari at nagkabalikan kayo. Eto pa rin ako tagakinig sa kwento ng magagandang araw nyo habang magksama kayo.

Hindi ako bitter dahil masaya ka. Maniwala ka at sa hindi masaya ako parasayo. Naaawa lang ako sa sarili ko kasi lagi na lang ganito yung ending ko. Ako yung maeffort, ako yung nakakaalam kung paano ka dapat mahalin pero eto ako, kaibigan pa rin. 

- Bbypanget

-Cr.

Confession To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon