dos

4.7K 126 1
                                    

Chapter 2


My tears are on the verge of falling after reading the letter when suddenly, Allysa came. "Ate, heto na po yung waffle nyo at coke. Ibibigay ko lang po kay Lucas itong kanya." she said.

Napatingin sya kay Sebastian at medyo nanlaki ang mga mata at bumulong sa akin, "Ate, jowa mo? Ang gwapo!" aniya na parang kinikilig na kuting.

"Sira." natatawa kong sabi sa kanya, "K-Kaibigan ko lang sya. Galing syang costume party." pagsisinungaling ko kahit hindi naman ako sure kung nagsasabi nga sya ng totoo. Malay ko ba kung gawa-gawa nya lang yon? Pagdating ni Kuya mamaya, malalaman ko ang totoo. Marunong kasing magsalita si Kuya ng spanish dahil nag-aral sya ng wikang espanyol noon sa Manila. Balak nya kasing mag-aral talaga ng Medicine o Law sa Spain noon. Doon kasi nakatira ang mga tiyahin naming tumandang dalaga at balak syang pag-aralin doon. Kaya lang hindi natuloy kasi mas gusto ni Kuya ang computers kaysa karayom.

"Ah sige, ate. Dalhin ko lang 'to doon." sabi ni Allysa habang may hawak na dalawang supot ng pagkain.

Tumango ako at umalis na siya. Ibinaling ko ang tingin ko kay Sebastian na nakatingin pa rin sa akin. "Ano? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling lang sya at ngumiti. Pang-model naman ang itsura ni Sebastian, even his body looked like he's a model all the way from Spain.

"Hindi man lamang nagbago ang itsura mo, Binibining Laura-"
"Lara. Laura ka ng Laura dyan. Lara ang pangalan ko. Tsaka pwede bang Lara na lang ang itawag mo sa akin? Wag nang Binibining Laura, lakas maka-ano eh." sabi ko habang nagtitingin ako ng mga damit na pwede nyang isuot.
Inabot ko sa kanya ang isang t-shirt at isang puruntong short at itinuro ko sa kanya ang fitting room kung saan sya nanggaling kanina. "Isuot mo to. Yang damit mo kasi ay hindi naaayon para sa panahon ngayon. Masyadong mainit ngayon sa Pilipinas kaya hindi ideal ang long sleeves at slacks ngayon." paliwanag ko.
"A-Ay...diyal? L-Long islibs? Is...laks?" nagtatakang tanong niya.
"Magbihis ka na lang. Ang dami mong tanong eh." sabi ko saka ko sya itinulak papasok sa fitting room.
"Lara, 'san si Mama?" dumating na pala si Kuya.
"Kuya! Saktong sakto ang pagdating mo, may bisita tayo." sabi ko habang sinalubong ko sya.
"Bisita?" naka-kunot ang noong tanong niya.
"Tara." hinatak ko na sya papasok sa loob ng tindahan habang kinain naman nya ang waffle ko na binili ni Allysa.
"Sino ba 'yan?" tanong nya ulit.
"Hintayin mo ako dito." sabi ko sa kanya at lumapit ako sa kurtina ng fitting room. "Sebastian? Tapos ka na dyan?" sabi ko habang naka dikit ang tenga sa may kurtina.
"O-Oo... Espera un momento." (just wait a minute.) sabi naman nya.
Nanlaki ang mata ni Kuya, "Spanish?" tanong nya sa akin. "Lalaki?" tumango ako. "Syota mo?"
"Hindi ah!" depensa ko.
Lumabas na si Sebastian sa fitting room. Sheeeet... Ang gwapo besh!
"Kuya, may suklay ka palaging dala 'di ba? Pahiram nga." Dahil naka Jose Rizal style ang hair nya, kaylangan nating suklayin ng very very slight ang buhok niya.
Napatitig si Kuya kay Sebastian habang dahan-dahang inaabot sa akin ang suklay na nasa loob ng bag nya.
"Lara Allesandra... Pinakialamanan mo ba ang computer at drawing tablet sa computer room noon?" matigas na turan sa akin ni Kuya.
"Huh? Ang alam ko accidentally kong nabuksan yung computer at bumukas din yung tablet noon tapos may nasagi kasi akong parang bilog na medyo malaking necklace na nakasabit sa monitor noon, eh nalaglag, kaya pinulot ko." Ipinagbabawal kasi ni Kuya noon na huwag lalapitan at papakialamanan ang computer at tablet na nasa isang sulok ng computer room noon sa bahay.
Isasaksak ko kasi dapat yung isang outlet ng computer kaya lang namali ako ng isinaksak tas iyon. Bumukas yung isang computer. Eh connected pala yung tablet doon kaya pareho silang nagliwanag.
"Sebastian Alonzo." saad ni Kuya habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.
"Kilala mo sya Kuya?" tanong ko naman.
"Hace mucho que no nos vemos, Leandro." (Long time no see, Leandro.) bati ni Sebastian.
"Kilala mo ang Kuya ko?" baling ko kay Sebastian dahil hindi na nagsalita si Kuya at tumayo na siya.
Ngumiti sa akin si Sebastian at sinabing, "Kaklase ko siya noon sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila."
Sa UST? Weh? Hindi naman doon grumaduate si Kuya eh.
"Siraulo yata 'to Kuya eh. Sabakan ko na ba?" bulong ko kay Kuya.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon