siete

2.6K 83 10
                                        

Chapter 7


"Ama, Ina ano po't naparito kayo?" Tanong ni Sebastian habang naupo sa tabi ng kanyang ina at ako naman sa katapat na upuan nya sa tabi ni ina.

"Totoo pa lang magkaibigan kayo ng Binibini, anak." Aniya ng ina ni Sebastian. Napakaganda nya para sa kanyang edad at napakahinhin kung kumilos.

"Opo, Ina. Sya po ay galing pa sa Inglaterra." Napahigop sa mainit na tsokolate si Sebastian dahil na rin siguro sa kaba.

Teka nga, bakit ba sya kinakabahan?! Ako nga eh eto, pa-chill-chill lang.

"Inglatera? Sa lugar ng mga hari at reyna? Napakagandang bata! Ngunit kamukha rin natin siya. May lahi ka bang kastila hija?" Nakangiting tanong ng tatay ni Sebastian.

Nakakaintimidate naman pala itong si Mr. Alonso. Parang anytime eh kayang kaya nya kong ilubog dito sa kinauupuan ko. At ito ay may taglay pa ring kakisigan at kagwapuhan na tulad ng kay Sebastian.

"Siya ay anak ng aking pamangkin na nasa Inglatera, Don Alejandrino." Masayang sabi ni Ina.

"That's right, Sir. I am the daughter of her niece. We're from Spain but I grew up at the town of Cambridge in England. It's a pleasure to meet you, Sir Alonso." Gatong ko sa pagsisinungaling with full British accent. May pa-Cambridge-Cambridge pa ko, eh sa Bataan lang naman talaga ako nakatira. Although totoo naman na may lahi kaming kastila pero ang tatay ko lang ang meron dahil parehong kastila sila lolo at lola. Nakita kong napangiti ang Don at pati na rin sina ama at ina. Na-convince yata sa pagiging aktresa ko ang mga ito. Hehe

Sinabi ko kasi kina ama at ina na ako ay naglayas mula sa bahay namin. At ako ay taga malayong bayan ng Cebu at sa madrasta kong maldita ako nakatira. Pero syempre, pinag-isipan talaga namin ni Sebastian ng maiigi iyon.

"Its been a pleasure meeting you too, little lady." sabi naman ni Don Alejandrino sa akin at nag-bow pa na akala mo eh nasa England nga talaga kami. Kinabahan ako ng very very light dahil mukhang alam nya ang kultura sa Inglatera at baka mahalata nya na nagsisinungaling lang ako.

"Recientemente fuiste a Inglaterra, ¿verdad, mi amor?" (Hindi ba't kamakailan lamang ay nagpunta ka sa Inglaterra, Mahal?) nakangiti ang ina ni Sebastian habang nakatingin sa asawa. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi nya na nagpangiti sa asawa na mukhang excited magkuwento, at nagpakaba naman kay Sebastian at pati na rin kina ama at ina.

"Ina, masama po ang pakiramdam ng binibini kaya po kami ay umuwi na mula sa pagpasyal sa plaza. Maaari po bang ihatid ko na sya sa kanyang silid?" Paalam ni Sebastian na ikinakunot ng noo ko at sinang-ayunan naman ng mga adults.

"Talaga namang napakaganda ng naidulot ng pagdating ng binibini para sa aming Sebastian! Hindi ba't ilag sa mga kababaihan ang ating anak, Felicissima?" Sabi ni Don Alejandrino na nagpamula sa mukha ni Sebastian.

"Kaya nga gusto ko sana na kay Binibining Lara siya ikasal!" Excited na sabi ni Doña Felicissima kaya naibuga ko kay Sebastian ang iniinom kong hot chocolate. Kay Sebastian ko talaga naibuga kesa naman ibuga ko kay ina hindi ba?

"Anak!" hiyaw nina ina at ama.

"Binibini!" sabi naman ng mga Alonzo.

"Nabigla ka ba sa aking sinabi, anak? Ayos ka lang ba?" May halong pag-aalala na sabi ng ina ni Sebastian at tawang tawa si Don Alejandrino sa itsura ng anak. Mukhang mababait rin naman ang mga magulang ni sungit. So kanino sya nagmana?

1889 ✔ (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon