diecinueve

1.2K 40 32
                                        

Chapter 19


Hulaan nyo kung nasaan ako.

I'm back.

Nakabalik na ako sa panahon ko.

Kasama si Lucas...

At si Sebastian.

Noong una ay nanggagalaiti sa galit si Kuya. Sinusubukan kasi n'yang ayusin ang lahat. Sinusubukan pala niyang burahin ang program at tuluyan itong mawawala kapag ako'y nakabalik na.

Hindi raw kasi tama ang nangyari. Ang pagbalik ko sa nakaraan.

Ang pakikipagrelasyon ko kay Sebastian.

He knew this was a bad idea.

Pero dahil sa ako'y masaya, tinanggap na lang nya.

Si Sebastian ngayon ay narito sa amin at ginawan na lamang namin ng palusot kay Mama. Ang sabi namin ay nagkaroon lamang ng kaunting problema sa UST kaya s'ya ay makikituloy muna dito sa amin.

Speaking of Mama, nagkasakit pala si Mama. Tumaas ang blood sugar nya at high blood pressure.

Natapos ang pasko at bagong taon ng matiwasay.

Akala na naman ng mga tsismosang kapitbahay eh nag-asawa na ang kaisa-isang babaeng anak ni mama--which is ako. Akala nila eh nagli-live-in kami ni Sebastian.

At dahil mapagpatol itong si Lucas, kinompronta nya yung leader ng mga tsismosa at sinabing kaibigan ni Kuya si Sebastian at nagbabakasyon lamang ito sa Pilipinas.

At! Nagsimula na naman ang panibagong issue sa barangay. Swerte raw ako dahil may syota akong foreigner. Aangat na raw ang buhay naming mag-iina. May nagsabi pa ngang buntis raw ako. Oh 'di ba?

Ganito po kami sa probinsya. Hahaha

Tila ilang araw lang ang lumipas simula nang kami ay magbalik mula sa nakaraan.

Akala mo eh kailan lamang noong kami ni Sebastian ay nasa taong 1889 kung saan ang bawat tao'y namumuhay ng payak.

Ang buhay sa nakaraan ay walang pinagkaiba sa buhay namin rito sa kasalukuyan.

Ang buhay ng tao, na kung saan ito ay umiikot ng parang gulong. Minsan kang nasa taas, minsan ikaw ay nasa ibaba.

Sabi nga sa kanta ng Aegis, ang gulong ng buhay ay patuloy-tuloy sa pag-ikot. Noon ikaw ay nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman.

Ang tanging ipinagkaiba lamang noon bukod sa kasuotan ay ang mga kagamitan at istilo ng pamumuhay ng mga tao.

Noon, ang mga mamamayang salat ay maswerte nang makakain ng dalawang beses sa isang araw.

Walang luho ang mga kabataan.

Nilagang saging o kamote lamang ang nasa hapag, ay tila pagkakaguluhan na ng mga bata.

Walang tutong na nasasayang.

Walang batang sumasagot sa magulang.

Tila naiintindihan na ng mga bata sa murang edad ang kahirapan ng buhay.

Napakasaya ng mga bata noon sa nakaraan. Kahit walang laruang magara, gagawa sila ng paraan para kanilang libangin ang sarili.

Walang wala sa mga kabataan ng ating henerasyon.

Ang mga kabataan ngayon? Kamustahin mo.

Nagdadabog kung ang ulam ay tuyo.

"Ma, bakit walang hotdog?"

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon