1889 {VEINTIUNO}
"Lara!" halatang naiinip na si mama sa paghihintay sa kabilang bahagi ng pinto ng banyo.
"Sandali lang po Mama," sabi ko habang kinakabahan.
"Ano bang ginagawa mong bata ka riyan? Constipated ka ba? Ipapabili kita kay Lucas ng gamot sa botika. May bukas pa naman ng ganitong oras."
"H-Hindi na po, 'Ma."
"O sige. Bilisan mo na lang ha. Naiihi na kasi ako." Nakinig muna ako sa papalayong yabag ni mama bago ko hinarap si Sebastian.
Naghilamos ako saka sinabihan ko si Sebastian na mauna siyang lumabas at ako ang magiging look-out paglabas niya.
Nakalabas na si Sebastian at saka pumasok na sa kwarto nila ni Kuya at Lucas. Nakahinga ako ng maluwag. Lumabas na ako ng pinto saka pumasok sa kwarto namin ni Mama.
****
Kinabukasan ay maagang pumunta sa palengke sina Mama. Isinama niya si Sebastian dahil nagpatulong si Mama sa pagbubukas ng stall. May seminar kasi si Kuya sa Bulacan at maaga namang papasok si Lucas dahil may gagawin daw siyang mahalaga sa university at nakataya raw ang grades niya rito.
"Lucas, yung baon mo pinaabot na lang ni mama kanina." Sabi ko saka ko inabot ang baon niya.
"Alis na ko, Lara." Paalam ng kapatid ko saka nagmamadaling umalis. Sa pagmamadali ay hindi na niya naisara ang pinto.
'Tong batang to talaga.' Sa isip-isip ko. Maglilinis lang ako saglit habang wala pa naman si Gino para sa itlog at gatas.
Hay nako. Namimiss ko na agad si Sebastian. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko ang nangyari kagabi. Ano ba naman yan. Hindi ko makalimutan.
Habang nagwawalis ako sa kwarto namin ni mama ay may narinig akong parang kumalabog sa computer room sa katapat na kwarto nila Kuya.
Nagmamadali akong pumunta sa computer room at baka mamaya ay may sumabog na CPU o computer na naiwang nakabukas magdamag ni Lucas.
Laking gulat ko nang makitang kalat-kalat ang mga gamit sa computer room. Bundle ng bond papers ang nagkalat, at ang ilang documents na mga pag-aari ni Kuya at Lucas ang mga nakakalat sa sahig.
Nagmamadali akong pumasok at chineck ang mga cable wires, likod ng CPU, ng printer, at screen ng computer. Ayos naman ang mga wires kaya't nakahinga ako ng malalim.
May kumalabog muli sa may likuran ko kaya napalingon ako ng mabilis. Bigla namang nauntog ang tuhod ko sa may kanto ng mesa kung saan nakalagay ang computer kaya napasigaw ako sa sakit.
"Aray!" napaupo ako sa upuan saka hinimas ang tuhod ko. Paniguradong magpapasa ito maya-maya lang.
"Binibini." Napalingon akong muli sa madilim na bahagi ng kwartong ito. Pamilyar ang boses ng nagsalita kaya't napa-isip ako.
"S-Sino ka?" tanong ko sa lalaking nakatayo. Hindi ko makita kung sino siya dahil sa madilim sa loob ng kwarto at sarado ang lahat ng bintana at kurtina.
Natawa ang lalaki saka luminga-linga sa kabuuan ng kwarto. "Nagawa ko. Nandito na ako." Sabi niya.
Lumapit ang lalaki sa akin saka ako hinawakan sa mukha. Nasisinagan na siya ngayon ng ilaw na nanggagaling sa hallway kaya nakita ko na kung sino siya.
Napatingala ako sa kanya dahil na rin sa pagkakahawak niya sa mukha ko. "Narito na ako Binibini. Totoo pala ang sinasabi ng matanda. Maaari kang makapaglakbay sa ibang panahon. Totoo palang ikaw ay hindi taga-Ingglatera. Ikaw ay galing sa ibang panahon. Sa panahong ito."
BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Tarihi KurguSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...
