veinticinco

923 32 13
                                    

1889 {VEINTICINCO}



"Ano?" hindi makapaniwalang sabi ng kanilang ina. Kasalukuyang nakaupo ang magkakapatid at si Sebastian sa sala ng kanilang bahay. "Anong sinasabi mong... time travel?" ni minsan sa kaniyang limampu't limang taon na buhay sa mundo ay hindi niya akalaing totoo pala ang time travel.


"Ma." Pigil ni Leandro sa inang himas-himas ang dibdib dahil sa hindi kapani-paniwalang pangyayari.


"Ikaw Leandro Rivera ha. Hindi okay yang ginawa mo." Pangaral ng ina sa anak na panganay. "Time travel... parang yung sa pinapanood mo noon nung maliit ka pa? Yung kay Michael J. Fox. Ano nga ulit ang pamagat noon?"


"Back To The Future, ma." Sabi ni Leandro sa ina habang nagniningning ang mga mata. Gustong gusto niya ang mga sci-fi movies lalo na kung tungkol sa mga machines, time machines.


"Iyon. Iyun nga." Pagtango ni Mrs. Rivera. "So, ibig ninyong sabihin itong si Sebastian ay..."


"Galing sa nakaraan. Sa Pilipinas taong 1889." Sagot muli ni Leandro.


Napaupo sa sofa ang kanilang ina. "At gusto mong dito na tumira?" tanong niya kay Sebastian.


Tumango si Sebastian at nagsalita, "Babalik po muna ako sa amin at magpapaalam kina ama. At kapag ayos na ang lahat ay magtatayo po ako rito ng maliit na negosyo upang makatulong sa inyo at maitaguyod si Lara."


"A-Ano nga ulit ang sinabi mo?" nanlaki ang mga mata ni Mrs. Rivera. Hindi na nga siya makapaniwala sa pangyayari, hindi pa siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Sebastian.


"Babalik po ako sa amin." Ani Sebastian.


"Hindi, yung huli mong sinabi."


"Magtatayo po ako ng negosyo rito upang makatulong sa inyo." Inosenteng sabi nito.


"Yung pinakahuli!" napalakas ang boses ni Mrs. Rivera. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Sebastian. Itataguyod? Si Lara?


"Itataguyod ko po si Lara."


Napasandal siya sa kinauupuan saka minasahe ang kaniyang ulo. "Susmaryosep. Ano ba ang sinasabi ng batang ito?"


"Ma." Si Lara naman ang nagsalita.


Hindi ito pinansin ng ina saka ibinaling ang atensyon sa bunsong anak. "Ikaw naman bata ka. Alam mo rin ang tungkol dito?"


Tumango si Lucas. "Opo ma. Ma, iba na ang panahon ngayon. Kung dati imposible ang mga ganoong bagay, ibahin mo ngayon." Casual na sabi nito saka dumikwatro. Umani naman siya ng magkasunod na lumilipad na tsinelas ng kanilang ina.


"Sumasakit lalo ang ulo ko sayong bata ka." Ibinalik naman ni Lucas sa paanan ni Mrs. Rivera ang tsinelas niyang kanina lamang ay nagmistulang flying saucer na tumalbog sa pagmumukha niya.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon