diez

1.9K 59 3
                                        

Chapter 10


"Señorita, gumising na po kayo."

"Opo, Ma..."

"Señorita... Kayo po'y kumain na."

"Ma, 5 minutes. Promise."

"Ano po ang inyong wika? Señorita, may naghihintay po sa inyo sa baba."

"Mm hmm....."

"Señorita... Kanina pa po kayo hinihintay ni Señorito Sebastian."

"Si Sebastian?!" Sa bilis ng pagkakatayo ko ay nagkauntugan pa kami ni Andeng. Sya raw kasi ang itinalagang personal na tagapagsilbi para sa akin.

"Opo, Señorita. Kanina pa po siya naghihintay sa baba. Kausap po sya ni Señorito Lorenzo." Napatigil ako sa pag-susuklay ng buhok sa harap ng salamin.

"Si Lorenzo?!" Ano namang ginagawa ng kupal na yon dito? Akala ko nasa amin pa rin ako. Nandito nga pala ako sa lumang panahon.

"Opo, kanina pa rin po sya narito. Halos sabay lang po sila ni Señorito Sebastian na dumating ngunit nauna lang po si Señorito Lorenzo ng ilang minuto." Alam mo yung feeling na umagang umaga paglabas mo ng bahay eh makikita mo yung kapitbahay mong chismosa na nasa labas rin ng bahay nila at chumichika na. Ganoon yung level ng pagkainis ko kay Lorenzo eh. Ang sarap tapalan ng duct tape nung bibig 'pag bumuka na.

"Nasaan sila ama at ina?" Tanong ko kay Andeng.

"Umalis po sila para pumunta kay Doktor Crisologo. Hindi ka na po nila pinagising dahil kayo raw po'y pagod."

"Doktor?" Pagtataka ko, "Sinong may sakit?"

"Hindi ko rin po alam, Señorita. Kayo po'y maghanda na para sa inyong agahan, mag-a-alas diez na rin po ng umaga."

"Nakakaloka. Nasaan yung cellphone ko?" Kanina ko pa hinahanap yung cellphone ko pero di ko makita. Wala sa ilalim ng unan at kama.

"Eto po bang kakaibang bagay na umiilaw at tumutunog?" Iniabot sa akin ni Andeng ang cellphone ko na nakabalot pa sa puting tela. Malamang eh nag-alarm iyon at nakita nya. "Narinig ko po kasi ang kakaibang tunog na nilalabas ng bagay na iyan. Señorita, iyan po ba'y isang uri ng instrumentong pang musika?"

"Ah... Eh... Oo, parang ganun na nga. Maraming ganito sa Inglaterra. Pero wag mong ipagsasabi na nakita mong mayroon akong ganito rito ha. Mahirap na at baka may magnakaw, paborito ko itong instrumento." Ngiti ko sa kanya. Mahirap na at baka may makatuklas pa sa sikreto ko na hindi naman talaga ako nabuhay sa panahong ito. "Nasaan na ba si Sebastian?" Sabi ko habang inilagay ang cellphone sa loob ng bag at isinakbit ang bag na binigay ni Kuya.

"Opo, Señorita. Nasa baba po, sila. Kumain po muna kayo at aanyayahan ko na rin po ang mga Señorito na sumabay sa inyo." Magalang na sabi ni Andeng at sabay na kaming bumaba ng hagdan.

Pagbaba namin ay nakita ko si Sebastian na seryoso sa pakikipag-usap kay Lorenzo. Kitang kita ang talim ng titig nya rito at noon ko lang sya nakitang ganun ka-hot este, ka-seryoso. Hehe.

Napatingin sya sa gawi ko at umaliwalas ang itsura nya. Hindi katulad kanina na gloomy at mukhang isang maling galaw ni Lorenzo ay tapos sya.

"Sebastian, kagigising ko lang. Good morning!" Bati ko sa kanya. Hindi ko talaga binati si Lorenzo dahil hindi good ang morning ko pag nakikita ko sya.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon