1 8 8 9 C H A P T E R 1 8
[Munting Paalala: Ang kapitulong ito ay isinulat noong ika labingwalo ng Disyembre, taong dalawang libo't labingwalo. Oo, ganoon katagal bago ako nakapagdagdag ng kapitulo. Ako sana'y mapatawad ninyo...]****
Chapter 18
Lucas' POV
"O Lucas, Merry Christmas!" bati nitong si Gino sakin. Feeling close tong si gago.
"Isang linggo pa bago magpasko."
Napakamot sya ng ulo sa sinabi ko. Kung hindi lang bakasyon ngayon eh di sana naituloy ko na ang pagporma kay Freya.
Ka-badtrip ka Lara! Ikaw sana ang naghihintay ng itlog at gatas ni Gino at hindi ako.
Iniabot ni Gino ang tray ng itlog at gatas sa akin. Napansin kong tila pamasid-masid siya sa loob ng bahay namin.
"O bakit hindi ka pa umaalis?" tanong ko sa kanya.
"Nasaan si Lara?" aniya.
Yun naman pala.
"Wala. Pinalayas ko na. Masakit sa mata." sabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Aba 'tong batang 'to. Hoy! Mas matanda ako sa 'yo ha!" dinig kong sigaw nya.
Tch. Kamusta kaya yung mangkukulam na yun doon sa nakaraan?
Ayokong pumunta doon kasi baka pag-agawan ako ng mga binibini alam nyo na. Sabi nga ni James Reid, "Mahirap, mahirap, mahirap ang maging gwapo!".
Pagkatapos kong magsulat ng pangungumusta sa magaling kong kapatid doon sa nakaraan, ay dumiretso na ako sa palengke para tulungan si mama at si kuya sa pagtitinda.
*circa 1889*
"Gino?" kasama ko si Sebastian na nandito sa ilalim ng puno ng narra. Ito kasing siraulong si Lucas, isinulat pa na hinahanap daw ako ng manliligaw kong si Gino!"Huwag mong isipin yon. Mahilig lang talagang manukso iyong si Lucas. Si Gino yung anak ng nagtitinda ng itlog at gatas. Dinadalhan nila kami araw-araw at si Gino ang taga-dala dahil isinasabay nya ang mga itlog at gatas sa pagpasok at nadadaanan naman kasi ang bahay namin papunta sa bangko kung saan sya nagtatrabaho." Paninigurado ko sa kanya.
"Bangko?" Tanong nya nang naka-kunot ang noo. "Ano iyon?"
"Bangko... Uhm... Ano yun eh... Ano nga ba yon?" Alam ko yun eh. Pero bakit parang nakalimutan ko?
"Ayos ka lamang ba, mahal ko?"
Ang sakit... Sobrang sakit ng ulo ko. Para bang may matinding ingay na naririnig ang tainga ko.
"A-Ayos lang ako. Nalimutan ko lang yung ano... Ano nga ulit yung tinatanong mo?"
Napatitig si Sebastian sa akin. Tila sya ay naguguluhan sa nangyayari.
Bakit ganoon? May mga pagkakataon na tila nalilimutan ko kung ano ang mga bagay o pangyayari roon sa kasalukuyan.
Hindi kaya dahil sa tagal ko na rito sa panahon na ito kaya nalilimutan ko na ang ilang bagay sa kasalukuyan?
BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Ficción históricaSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...