diecisiete

1.6K 70 24
                                    

Chapter 17


Isinulat ko ang petsa kung kailan nagsimulang uminom ng gamot si Ina. Ika-23 ng Pebrero, taong 1889. Anim na buwan kasi siyang iinom ng gamot para sa tuberculosis.

Sapat para sa anim na buwan ang gamot na iginuhit ni Lucas kaya wala na akong problema kung paano ako makakakuha ng ganoong gamot sa panahong ito.

Ako ang nagpapainom kay Ina ng gamot sa buong maghapon kaya hindi na rin ako ganoon nakakalabas ng bahay.

Busy rin naman kasi si Sebastian sa pagpasok sa school kaya tuwing hapon na lang sya nakakapunta dito sa mansion. Isang buwan na lang at graduate na sya ng pag-aabogasya.

Si Lorenzo naman ay ganun din. Busy na rin sya sa school kaya natutuwa ako dahil hindi na ganoon ka-bwisit ang araw ko. Sana palagi syang busy sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Ilan sa mga kaibigan nina Ina at Ama ang pumunta sa mansion para bumisita. Ang ilan sa kanila ay may mga dalang mamahaling tela na galing pa raw sa Tsina. Ang ilan sa kanila naman ay may dalang pagkain tulad ng mga prutas at kesong galing pa ng Italya.

Yayamanin talaga ang mga constituents nila kaya sobra akong na-intimidate lalo na sa mga Donyang galing pa raw ng Espanya.

Hindi ako nagpakita sa kanila dahil mahirap na at baka kausapin pa nila ako in Spanish at wala akong maisagot.

Pero saan pa kayo, naging instant doctor ako dito mga besh! Kung mga lagnat at sakit lang ng ulo, sa akin sila pumupunta at nagpapakonsulta. #doktorkwakkwak

Kaya't mas lalo akong nakilala rito sa aming lugar.

Nakilala rin nila ako bilang mapapangasawa ni Sebastian Salazar. At dahil isa ang kanilang pamilya sa makapangyarihan at elitistang pamilya sa buong Bataan, lalo akong nabigyan ng pansin sa buong baryo.

Marami ang nagsasabing masuwerte raw ako dahil si Sebastian ang mapapangasawa ko. Ang mga Alonzo raw ay mabubuti at hindi marunong manghamak ng kapwa tao, mapa-español man o indio.

Totoo naman ang sinasabi nila. Tunay ngang mapagmalasakit at mababait ang pamilya nina Sebastian. Nakilala ko na rin sina Geronimo at Nicolas. Sila ang mga nakatatandang kapatid ni Sebastian. Panganay si Geronimo (32) at pangalawa naman si Nicolas (28) na sinundan ni Sebastian (23). Sila ay mababait at makuwento. Ngunit pinakamasungit talaga si Sebastian.

Mabuti na lang at nakapagguhit si Lucas ng BP apparatus at stethoscope. Isang araw ay nakita ko na lamang si Don Alejandrino Alonzo na namumula sa isang tabi at nakayuko. Mabilis raw ang pintig ng kanyang puso at dali-dali ko namang kinuha ang bag ko na kung saan ay nanggagaling ang mga kagamitan na iginuguhit ni Lucas.

Natakot pa nga siya noong una dahil sa humihigpit ang cuff ng BP app na dala ko. Laking gulat ko dahil mataas ang presyon ng dugo ni Don Alonzo. High blood ang lolo mo. Hypertensive.

Binigyan ko sya kinabukasan ng mga gamot na iniinom para sa Hypertension. Ang sabi ko sa kanya ay iyon ang mga gamot na iniinom sa Inglaterra kung tumataas ang dugo ng isang tao. At syempre, hindi ako nagbibigay ng gamot nang walang tulong ni Lucas. Pinaparesearch ko sa kanya ng mabuti ang mga gamot na ibinibigay ko sa mga may kailangan nito.

Tuwang tuwa si Don Alonzo dahil hindi na raw siya masyadong mainitin ang ulo at healthy na rin ang mga pagkaing kinakain nya (mahilig kasi syang kumain ng lechon). At dahil iyon sa dakilang doktora ninyo! Hahaha

Lumipas ang ilang araw at naghilom na rin ang sugat na tinamo ko mula sa pagkakasaksak sa akin ni Andeng.

Si Sebastian naman ay lumuwag na rin ang schedule dahil wala na raw silang gaanong ginagawa sa eskuwelahan.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon