veintidós

955 34 8
                                    


1889 {Veintidós}

Isinara ni Lorenzo ang pintuan at mahigpit akong hinawakan sa braso. Sa higpit ng pagkakahawak niya ay malamang na bumakat ang mga daliri niya at mamula ang braso ko.

"Lorenzo, ano ba? Nasasaktan ako."

Natawa siya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa dun? Nakakasakit na sya pero natatawa pa sya?

"Sasama ka sa akin, sa ayaw mo man o sa gusto mo." Madilim ang awra ng mukha niya. Parang yung itsura ng kontrabida sa mga palabas sa TV o sa pelikula?

"At sino ka naman para sundin ko?" panghahamon ko sa kanya.

"Nakikita mo ito?" sabi nya nang inilabas niya ang isang maliit na device na galing sa bulsa niya. "Ang akala mo ba ay ikaw lang ang may kakayahang makapunta sa iba't ibang panahon?" nakangisi niyang sabi.

"Saan... Paano mo... Saan mo iyan nakuha?" Hindi maaari. Paano sya nakakuha ng ganoon ka-advance na teknolohiya sa Pilipinas noong panahon ng 1889?

"Hindi na iyon mahalaga. Malalaman mo rin iyon pagkatapos ng ating kasal." Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Iniangat ko sa hangin ang isang kamay kong hindi niya hawak saka siya sinampal sa kanan niyang pisngi.

Hinaplos niya ang pisngi niyang ngayon ay namumula na. "Feisty. I like it." Sabi niya in a British accent.

"Sa tingin mo ay ganoon na lamang kadali iyon?" sabi ko sa kanya. "Ganoon na lang kadaling kidnappin ako dito at dalhin sa panahon mo para pakasalan ako? Hindi papayag si mama, si Kuya... maging si Sebastian."

"Hindi ko kailangan ang pahintulot nino man!" sabi niya habang nagngingitngit sa galit.

"Si Sebastian... Hindi ko sya pwedeng—"

"Maldita mierda!" (Fucking shit!) inis na sabi ni Lorenzo saka ako hinawakan ng mas mahigpit pa at itinaas ang joystick ng device na hawak niya.

Mabilis kaming nawala sa sala ng aming bahay, sa isang kisap lamang ng aking mga mata.

****

Sa tindahan nina Lara...

3rd Person's POV

Hindi mapakali si Sebastian sa upuan na kinauupuan niya. Bakit hindi pa rin dumadating si Lara? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ang kasintahan sa palengke? Ala-una na ngunit wala pa rin si Lara.

"Baste, anak. Maupo ka nga muna." Sabi ng ina ni Lara sa kanya. Ito na kasi ang pang-apat na pagkakataon na tumayo siya at naglakad pabalik-balik sa harap ng ginang. "Baka naglilinis ng bahay 'yon, o di kaya eh nakatulog. Hindi kasi sya nakatulog ng maayos kagabi paglabas niya ng banyo. Siya lang ang lumabas ng banyo ng nakangiti at pakanta-kanta pa."

Naalala ni Sebastian ang mga pangyayari kagabi. Kahit naman siya ay hindi nakatulog ng maayos kagabi. Sino ba naman ang hindi? Napangiti siya at naupo sa tabi ng ginang.

"Bakit po kaya hindi ako mapakali?" tanong ni Sebastian.

"Hindi ko alam, 'nak. Kahit ako'y medyo nag-aalala." Binuksan ng ginang ang cellphone niya kung saan ang wallpaper ay ang tatlong anak at ang kanilang ina na nakangiti sa harap ng camera. I-dinial niya ang mga numero ng cellphone ni Lara ngunit hindi na niya ito makontak.

Ano kaya ang nangyari sa kanyang anak?

Tinawagan ni Mrs. Rivera ang anak na panganay. "Hello po, Ma. Nasa meeting po ako ngayon. Katatapos lang po ng seminar." Sabi ni Leandro sa kabilang linya.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon