ocho

2K 65 10
                                    

Chapter 8

"Nakikita mo ba yung mga bahay ngayon dito sa Pilipinas?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle dito sa barangay namin.

"Oo, kaiba sa panahon kung saan ako galing." Sagot naman nya habang nagpapalinga-linga sa kalsada. "Ang mga tirahan, sasakyan at mga kasuotan, pati na rin ang inyong mga ayos sa inyong buhok at kolorete sa mukha ay iba rin sa amin."

"Ganoon talaga, tanggapin mo na. Habang tumatagal kasi ang panahon, nag-iiba ang hilig o gusto ng tao. Isa pa, mayroon ring mga imbensyon na nabubuo sa pagtakbo ng panahon. Nakikita mo ba ang mga iyan?" turo ko sa hilera ng mga tricycle na nasa gilid ng daan. "Iyan at ang mga kotse, pati na rin ang eroplano at barko ang transportasyon rito sa Pilipinas ngayon. Dati ay kalesa, hindi ba?" tanong ko sa kanya sabay tango naman nya.

"Hindi ako makapaniwala. Ang mga ito ay nagbubuga ng usok. Ano ang mga iyon? May pugon ba sa loob ng mga ito?" tanong nya habang sinisilip ang tambutso ng tricyle na sasakyan namin.

Natawa naman ako habang napansin kong nakatingin sa amin si manong na parang nawi-wirdohan yata kay Sebastian. Kaya hinatak ko na sya papasok sa tricycle at pinaandar na ng driver ang motor at umalis na.

"Iba ang sasakyang ito kaysa sa sasakyan na gamit ni Leandro. Kung iyon ay nakakalula sakyan, mas lalo itong sasakyan na ito! Nakakatakot!" sabi nya habang nakahawak ng mahigpit sa bag na dala ko at sa gilid ng tricycle.

Pinigil kong matawa sa itsura nya ngayon dahil mukha syang masusuka any time na magpreno itong si manong na medyo may kabilisan naman talagang magpatakbo.

"Manong, pwede pong medyo bagalan nyo yung patakbo? 'Di kasi sanay sumakay sa tricycle 'tong kasama ko, nahihilo po sya sa bilis. Pasensya na po." Sabi ko sa driver at tumango naman sya.

"Hindi ako nahihilo, naninibago lamang ako." Hindi raw siya nahihilo nang lagay na yan ha?

"Okay. Sabi mo eh."

Pagdating namin sa palengke ay nagpaalam ako kay Mama na mag-iikot muna kami ni Sebastian. Pumayag naman si Mama. Igala ko raw muna si Sebastian dahil pinagnanasaan ng mga tindera niya.

Kumain kami sa turo-turo at bet na bet ni Sebastian ang calamares ni manong! Pati na rin yung waffle na may cheese at hotdog sa loob.

Na-guilty naman ako bigla dahil baka makasama sa kanya yung mga pinakain ko. Naka-tatlong waffle pa naman sya with 6 pieces na calamares, tapos straight nyang ininom yung dalawang Minute Maid na binili ko. Gulat na gulat nga sya sa lalagyan ng Minute Maid kasi plastic at malamig. Wala raw ganoon sa kanila.

Sa pag-ikot namin sa kabuuan ng palengke, hindi mawawala ang ilang pag-sulyap ng mga tao kay Sebastian. Medyo nakakailang nga eh.

Inaya ko syang magpahinga muna sa isa sa mga benches na nasa loob ng pamilihan.

Inaya ko syang magpahinga muna sa isa sa mga benches na nasa loob ng pamilihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon