Chapter 6
"Walang katao-tao dito. Nakakatakot naman." Sabi ko kaya medyo lumapit ako kay Sebastián. Isa sa mga phobia ko ang paglalakad sa isang daan na walang katao-tao at parang ghost town."Wala kang dapat ipag-alala. May ginaganap kasing misa sa simbahan ngayon kaya walang masyadong tao sa daan." Sabi nya.
Napatingin naman ako sa paligid. May nakita akong isa pa sa mga phobia ko. Aso.
"T-Teka lang." bigla akong napahinto. Ramdam na ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo at batok ko.
"Bakit? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Sebastián.
"T-Takot ako sa aso." Sabi ko habang nakatingin sa papalapit sa aming aso. "Baka habulin tayo."
"Mabilis ka bang tumakbo?" Napatingin naman ako sa kanya. So ibig sabihin tatakbo kaming dalawa? Sabi pa naman ni Mama noon kapag nakakita ako ng aso 'wag na 'wag daw akong tatakbo dahil lalo lang akong hahabulin at kakagatin nito.
"Binibiro lamang kita." Natatawa nyang sabi.
"Hindi ito ang panahon para magbiro." Inis na sabi ko sa kanya. "Mabagal ako tumakbo. Anong gagawin ko?" Kinakabahan na talaga ako dahil palapit nang palapit yung aso habang nakatingin sa akin. Kaylangan naming makadaan sa daang iyon para makasakay na kami sa kalesa at makauwi na ako kina ina at ama. Pag ako talaga hinabol ng asong 'to...
"Huwag kang kakabahan, Binibini. At kapag tumakbo tayo ay lalo lamang tayong hahabulin nito. Dahan-dahan ka lamang sa paglalakad. Halika, sumabay ka sa akin." Sabi nya at naglakad na kami palayo at dahan-dahan.
Thank you, Lord! Nakalayo rin kami doon sa aso."Binibini, kung hindi mo sana mamasamain ay maaari bang magtanong?"
Naglalakad kami ngayon papunta sa kalesa na sinakyan namin kanina. Hindi ganoon kainit ang panahon gayong nasa bandang ala-una o alas-dos na ng tanghali.
"Oo naman, ano ba yun?"
"Saan ka ba talaga nakatira o nanggaling? Hindi naman sa hindi kita pinapaniwalaan na galing ka sa hinaharap, dahil kitang kita ko ang liwanag kung saan ka nanggaling, Binibini." Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Nakatira ako sa mismong bayan ng Balanga rito sa Bataan. Ang buo kong address ay #46 Maligaya Street, Barangay Cupang West, Balanga City, Bataan. Ang buo kong pangalan ay Lara Allesandra Rivera. Ako ay dalawampu't isang taong gulang na at ako ay nakatapos sa kursong Bachelor of Science in Computer Science Major in Network and Data Communication. Ako ay may dalawang kapatid na lalaki, isang nakatatanda at isang nakababata. Ang Kuya ko ay nakapagtapos na at ang kapatid ko naman na bunso ay nag-aaral pa sa kolehiyo."
"Nakatapos ka na ng pag-aaral?" Takang tanong nya. "At saan ka nga ulit nakatira? Rito sa Bataan?"
Tinignan ko sya ng para bang 'okay-ka-lang look' ko. "Kasasabi ko lang diba? Oo tapos na ko sa kolehiyo, gusto mo bang gumawa ako ng program dito? At oo, sa Bataan ako nakatira. Anong problema don?"
"Ito ang Bataan na sinasabi mo. Ngunit wala rito ang lalawigan na nasabi mo pati na rin ang barangay na iyon. At ang Bataan ay sakop ng Pampanga kaya wala itong sariling lalawigan." Kunot noo nyang sabi.
"Syempre, 'di ba nga ay galing ako sa hinaharap?" Sabi ko habang naka-cross arms. "Maraming magbabago sa paglipas ng panahon."
"Sebastian! Como estas?" Bati ng isang lalaking naka-all white from head to toe. Halatang galing siya sa isang kilala at mataas na estado ng pamilya. Kapansin-pansin rin ang gwapong mukha nito at ang kanyang matipunong— hala! Landi ng loka! Haha
BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Historical FictionSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...