once

1.7K 56 11
                                        

Chapter 11


Parang gusto ko na lang na himatayin sa puntong ito. Marami akong gustong gawin dito. Gustong gusto kong makakilala ng mga tao sa panahong ito ngunit ang makatagpo ng isang guardia civil ang pinakahuli sa listahan ko.

"¿Dije quién eres y qué haces aquí?" (Ang sabi ko ay sino ka at ano ang ginagawa mo rito?) Ulit nya sa sinabi nya kanina. Naka-brown slacks ang mga ito na tinernuhan ng long sleeve polo. Nakasuot rin sila ng itim na boots na high cut at may nakasabit na malaking baril sa kanilang mga balikat.

Wala akong magawa kundi tumunganga at literal na nganga ako sa guardia civil na kumakausap sa akin. Ano bang malay ko sa Spanish? Saulo ko yung Despacito pero baka mamaya eh kung anong gawin sakin ng mga 'to pag ni-narrate ko sa kanila yung lyrics (eh tungkol daw sa ano yon haha). Ayoko naman magpanggap na may alam 'no.

"¿Dónde está tu cedula?" (Nasaan ang iyong cedula?) Feeling ko eh tinatanong nya ako about sa cedula. Patay, wala akong cedula.

"Disculpe, señor. ¿Hay algún problema aquí?" (Paumanhin, Señor. Mayroon bang problema?) Nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

Si Sebastian pala iyon kasunod naman sina Domingo. Nakahinga ako ng maluwag dahil dumating na sila at may kakampi na ako.

"Buenos dias, Señorito Carlos Ruiz y la señoritos." (Magandang araw, Señorito Carlos Ruiz at mga señorito.) Bati nila kay Carlos pati na rin kina Sebastian pero parang mas may galang sila kay Carlos.

"¿Hay algún problema aquí? Ella es nuestra amiga y ella es la prometida de Sebastian." (Mayroon bang problema dito? Siya ay aming kaibigan at siya ang mapapangasawa ni Sebastian.) Seryosong sabi ni Carlos.

"Ella creció en Inglaterra y ella es la sobrina del Señor y la Señora Mariano." (Lumaki siya sa Inglaterra at sya ay ang pamangkin nina Señora at Señor Mariano.) Sabi naman ni Rodolfo.

Mukhang natameme naman sa mga pinagsasabi nila ang dalawang guardia civil na kanina lang eh akala mo kung sinong matataas na tao pero ngayon ay napaka-aamo. Kahit hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila ay alam kong pinagtatanggol ako nina Sebastian.

"No, no hay problema aquí. Nos iremos ahora. Que tengas un buen día." (Wala pong problema rito. Kami po'y aalis na. Magandang araw sa inyo.) Sabi nila saka nagbigay galang at naglakad na palayo.

"Bakit umamong parang tupa yung mga 'yon noong nakita ka, Carlos?" Tanong ko kay Carlos.

"Ang aking ama ay mayroong katungkulan sa gobyerno." Sabi nya habang napakamot ng ulo.

"Ang kanyang ama ay ang Gobernador-Heneral." Sabi naman ni Rodolfo.

"OMG. Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kaya pala ganun na lang ang takot ng mga ito kay Carlos dahil ang ama nito ay ang Gobernador-Heneral.

Tumango si Sebastian at hinawakan ang kamay ko. "Saan mo pa gustong pumunta, mahal ko?" Nakangiti nyang sabi.

"Naku, noo'y ang pagka-sungit-sungit mo kay Binibining Lara. Ngayon nama'y akala mo eh mayroong aagaw sa iyong kasintahan kung ika'y dumikit." Pang-aasar ni Rodolfo kay Sebastian.

"Naiinggit ka lamang, kaibigan dahil ikaw ay walang nobya." Pinagtatawanan naman ni Carlos at Domingo si Rodolfo ngayon.

Hindi pa natapos ang pag-aasaran nilang tatlo kaya naghabulan pa sila roon.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon