Chapter 14
Narito ako ngayon sa hardin ng mansyon kasama si Lita dahil si Andeng ay isinama ni manang sa palengke. Nalaman na rin ni manang na buntis sya ngunit di nya alam na si Apollo ang ama ng pinagbubuntis nito.
Hinuhulaan ko kung ano ang magiging anak nya. Tatlong buwan pa lamang kasi ang tyan ni Lita kaya hindi pa ganoon kahalata ang umbok nito. Hindi pa rin naman nagbabago ang itsura niya kaya napakahirap hulaan. Sabi ko nga sa kanya eh kapag umitim ang kili-kili nya at sabog ang ilong, malamang ay lalaki ang iaanak nya.
Nag-iisip kami ng pwedeng ipangalan sa bata. Ang hirap din mag-suggest kasi puro English names o di kaya eh Korean names ang naiisip ko. Ang weird naman pakinggan noon sa panahon na 'to.
"Felicissima kaya? Tapos Rodrigo pag lalaki?" Suggestion ko sa kanya. Felicissima kasi ang pangalan ni lola at ang ganda para sa akin pakinggan ng pangalang iyon. Isa pa, pangalan rin iyon ng nanay ni Sebastian eh.
"Felicissima? Napakaganda. Iyon na lamang ang ipapangalan ko sa aking anak kung sya ay magiging babae. Ipapangalan ko naman sya kay Señorito Apollo kung sya naman ay maging lalaki." Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Lita.
"Señorita Lara, maaari ko po ba kayong makausap?" Humahangos na sabi ni Andeng. Hindi namin namalayan na nakarating na pala sila ni manang mula sa palengke.
"Oo naman. Bakit ka naman humahangos, Andeng? Sandali lamang Lita ha." Paalam ko kay Lita at sumama kay Andeng sa may kusina.
"Ano ang iyong sasabihin, Andeng?" Tanong ko kay Andeng na lilinga-linga.
"Si Señorito Apollo ay ikakasal na." Sabi nya ng pabulong.
"Talaga? Inamin na nya sa kanyang ama na magkakaanak na sila ni Lita?" Nakakatuwa naman na tinanggap ni Don Mauricio si Lita bilang magiging asawa ni Apollo.
Malungkot na tumingin sa akin si Andeng. "Binibini, usap-usapan sa bayan na si Señorito Apollo ay ikakasal kay Señorita Trinidad. Nagulat nga si manang dahil ang akala nya ay mayroong pagtingin sa iyo si Señorito Apollo."
"Ano?" Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba naman eh alam na at tanggap na ni Don Mauricio na may relasyon sina Apollo at Lita. Paano na lang ang kalagayan ni Lita kung malaman nya na ikakasal sa ibang babae ang kasintahan?
"Paano si Lita?" Bulong ko kay Andeng. Hindi ko alam kung dapat ba naming sabihin kay Lita iyon o hindi.
"Sa akin lamang, dapat ay si Señorito Apollo ang magsabi kay Lita nito. Napakasakit niyon para kay Lita." Sabi ni Andeng.
"Hayaan na lang nating si Apollo ang magsabi sa kanya. Nababahala ako sa maaaring mangyari kay Lita." Sabi ko ng may pag-aalala.
"Usap-usapan na rin na si Señorito Apollo ay mayroong kasintahang indio at nagdadalang tao. Ako'y lubhang nababahala, Binibini. Baka mapatalsik sa trabaho rito sa mansyon si Lita kapag nalaman ni Don Mariano ang nangyari."
Sa sinabi ni Andeng ay lalo akong na-stress. Kinakagat ko ang mga kuko ko kapag ako ay nababahala o nasa stressful na sitwasyon. Mannerism ko na siguro iyon.
"Ano na ang ating gagawin?" Natataranta na rin si Andeng. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang dapat gawin. Ano bang alam ko sa panahon na ito? Wala rin akong alam na lugar kung saan pwedeng itago si Lita.
Si Sebastian. Tama! Maaari kaming humingi ng tulong kay Sebastian.
"Andeng, ipahanda mo ang karwahe. Pupunta tayo kay Sebastian. Alam kong matutulungan nya tayo." No choice. Call a friend muna tayo.
BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Fiksi SejarahSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...
